Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph Morong, from Malacañang to Stand For Truth

SI Joseph Morong na ang bagong host ng Stand For Truth (SFT) simula ngayong January 4.

Sa teaser pa lang sa Facebook page ng SFT nitong Linggo na pinahulaan kung sino ang bagong host ng pioneering mobile journalism newscast, mainit na ang naging pagtanggap ng netizens kay Joseph. Well-deserved naman talaga ang veteran Kapuso reporter sa bagong hosting duties na ito.

Kilala si Joseph bilang isa sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps o ‘yung mga reporter na nagko-cover sa mga press briefing ng Malacanang. Tumatak din si Joseph sa mga manonood bilang isa sa mga kabatuhan ni Jessica Soho ng tanong kapag nagre-report siya sa State of the Nation. Naging kadikit din ng pangalan ni Joseph ang Fact or Fake dahil na rin sa online show na may same title na sinusuri niya kung ang isang news item ay fact or fake news. Marami ring followers si Joseph sa social media kaya naman swak na swak din siya sa online newscast ng Kapuso Network.

Mapapanood siya sa Stand For Truth tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, 9:00 p.m. sa official Facebook page ng programa at sa GMA News and Public Affairs YouTube channel.

Congratulations, Joseph!

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …