Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessica, ipinasa ang State of The Nation kina Atom at Maki

BAGONG tandem sa pagbabalita ang mapapanood gabi-gabi sa GMA News TV flagship program na State of the Nation kasama ang award-winning journalists na sina Atom Araullo at Maki Pulido.

Parehong bihasa sina Atom at Maki sa news reporting at marami na rin silang mga tumatak na coverage sa ilang taon nila bilang journalists. Si Atom, naging mukha ng pioneering mobile newscast na Stand for Truth na napapanood online. Si Maki naman, naging news anchor ng dating newscast ng GMA News TV na Balita Pilipinas Ngayon. Napapa­nood din silang humahalili sa ibang Kapuso news anchors kapag hindi sila nagre-report mula sa field. Patuloy din sina Atom at Maki sa paghakot ng awards sa mga dokyung ginagawa nila. Kaya naman tiyak kaming kompiyansiya ang GMA News pillar na si Jessica Soho na ilipat sa kanilang pangangalaga ang State of the Nation. 

Excited na kaming makita ang pagsasanib-puwersa nina Atom at Maki na nagsimula na noong Lunes (Jan. 4). Mapapanood ang State of the Nation, weeknights, 9:15 p.m., sa GMA News TV.

Samantala, nais na lamang mag-focus ni Jessica sa Kapuso Mo Jessica Soho kaya nag-resign na sa State of the Nation.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …