Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces 5 movies nilagari, nasa Viva na (Super blooming ang career sa pandemya)

KAHIT may CoVid-19 at matagal nagkaroon ng lockdown at nawalan halos lahat ng trabaho ang mga artista, masuwerte si Rosanna Roces at nakagawa siya ng limang sunod-sunod na pelikula tulad ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” kasama sina Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, at bagong lunsad na sexy star na si AJ Raval, advocacy film na idinirek ni Joven Tan, Suarez; The Healing Priest na title role si John Arcilla at gagampanan naman ni Rosanna ang character ng nanay ni Jairus Aquino na nag-akusa kay Father Fernando Suarez ng panggagahasa pero nalinis naman ng pari ang pangalan bago siya mamatay.

Kalahok sa MMFF 2020 Digital Edition ang film nilang ito.

Isa pang movie ni Osang ang “Anak ng Macho Dancer” at siya ang martir na nanay rito ng bidang baguhang aktor na si Sean de Guzman.

Join na rin ang mahusay na actress sa paggawa ng in vogue ngayong BL Series (Boy Love Story) at siya rin ang mother ng gumaganap na Gay sa “Happenstance” na GagaOOLala original series ni Direk Adolf Alix, Jr.

Humabol bago magtapos ang 2020 ang isa pang magandang proyekto para kay Osang ng young blockbuster director na si Darryl Yap na KPL o Kung Pwede Lang —- ang dating digital short film na naging controversial pero umani ng 10 million views na ginawang series ng Viva.

Makakasama ni Rosanna sa KPL sina Dexter Doria, Dennis Padilla, Carlyn Ocampo, at Loren Montemayor Mariñas (Original KPL Ghorl) at actor na si Bob Jbeili. Gandang-ganda si Osang sa magiging role niya rito.

And finally isa pang malaking blessing ang dumating sa actress ay parte na siya ng Viva Family ni Boss Vic del Rosario. Kasama ng kanyang abogadong si Atty. Argee Guevarra ay nagkaroon sila ng pictorial sa office ng Viva.

Next year o sa 2021 itinakda ang contract signing rito ni Rosanna na feeling heaven, dahil bukod sa sunod-sunod na biyayang bigay sa kanya ng Itaas, ay buo ang kanyang pamilya na this year nga ay nagkabati sila ng kanyang bunsong si Onyok.

Magkakasama silang ise-celebrate ang Pasko at Bagong Taon with the only one partner in life ni Ms. O na si Blessy Arias o Boy George.

Nakapagpasaya rin sa actress ang Christmas gift na imported dog sa kanya ng kaibigang si Darryl Yap, na director niya sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar. Heto pa, although hindi pa detalyado ay mga award-winning sequel movies ang gagawin ni Osang this 2021.

Isa rito ay makakasama niya ang sikat na Kapamilya young actor.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …