Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Venson Ang, nagdaos ng on the spot mural painting contest ukol sa Covid-19 awareness

PINATUNAYANG muli ni Venson dela Rosa Ang ang kanyang pagiging healthy lifestyle advocate nang magdaos siya ng on the spot mural painting contest last December 5.

Ito’y may kaugnayan sa Covid-19 awareness at ginanap ang event sa 84 Morato Street, Frisco, Quezon City. Siya ang may-ari ng New Star Samson Gym sa Frisco, Quezon City at kilala bilang isang bodybuilding enthusiast.

Si Venson ay dating talent manager ng Star Samson Gym Dancing Bodybuilders.

Ang nanalo rito ay sina: 1st Prize-Jef H. Samonte, 2nd Prize-Bin Samonte, at 3rd Prize-Nino Cris Odosis. Tumanggap sila ng medals at ng 5k, 4K, at 3k, respectively. Ang iba pang finalists na tumanggap naman ng 2k each ay sina Madz Caporal, Julius Jonson, Jaja Palomares, Bienne Samantha,Valerie Samonte, Luke Estrañia, Camille Alde Sagal, Niel Balingbing, Rick ni Bert, Rogel Esguerra, May Jandayan, Elmar Badal, at Jeric Bago .

Ilang taon na niyang idinadaos ang on the spot poster making competition, ipinahayag niya kung bakit naisipang ito ang gawin this year.

Esplika ni Venson, “I deemed it more important ang issue ng Covid-19, kaya instead of just an on the spot poster making competition ito ang naisip ko. I happen to have these long white fence sa new business kong pay parking dito sa tabi ng Star Samson Gym, which is our ancestral home.

“Iyong dating swimming pool tinabunan ko at sinementuhan, naisipan ko na imbitahin ang mga kakilala kong artist… Nagulat ako nang i-public post, ang daming nagka-interes na artists from different parts of NCR.”

Wika pa niya, “I pick the best 16 submitted entries, nag-alay ako ng itlog sa Grotto namin sa bahay para ‘wag sanang umulan, supposed to be ay two days competition noong November 29, a Sunday. May apat na mauuna sana, kaso umulan. Noong November 30, umuulan up to 3 am, kabado ako na mukhang di pagbigyan ni Mama Mary, pero biglang umaraw nang pagkainit-init, nagdatingan lahat at sabay-sabay ang mural paintings na inabot ng 4:30 pm. Pati problema sa tubig dito sa QC na gabi kung magkaroon, umayon na may tubig kami maghapon, kaya walang problema ang artists sa paglilinis ng mga brush nila.

“Mama Mary never failed me, dahil pati noong ribbon cutting ay umaambon hangang 3:30 pm, kaya kabado na naman ako. Pero pagdating ng 4 pm, para sunduin yung pari, umaraw muli, tuloy ang ribbon cutting to blessings of all the 16 mural paintings, judging and awarding ceremony up to kainan… Salamat Lord at nakaraos lahat nang maayos.”

Ang naging judges sa nasabing mural painting contest ay sina Al Perez, Ces Evangelista & organizer Venson de la Rosa Ang. Sa ribbon cutting ay sina Dr. Frank Detabali, Al Perez, Atty. Aline Brosoto Malto, at Ces Evangelista. Ang food pack ay courtesy of Juan Carlo, The Caterer of Stars & Celebrities.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …