Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn Carrillo, happy sa pagbibida ni Sean de Guzman sa Anak ng Macho Dancer

IPINAHAYAG ng member ng Belladonnas na si Quinn Carrillo na happy siya sa pagbibida ni Sean de Guzman sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

Sina Quinn at Sean ay magkapatid sa 3:16 Events and Talent Management at kapwa nasa ilalim ng pangangalaga ng mabait na talent manager na si Ms. Len Carrillo.

Lahad ni Quinn, “Of course I was really happy for him and proud, kasi not everyone can be given that big of a break, tapos direk Joel Lamangan pa, ‘di ba? And he deserve it naman talaga, kasi he’s got lots of potential and very humble talaga iyang si Sean.”

How about si Chloe Sy?

Aniya, “And for Chloe also. I think magandang stepping-stone yung Anak ng Macho Dancer sa career nilang dalawa.”

Si Chloe ay kasama ni Quinn sa Belladonnas at isa rin sa may daring scene sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Mula sa The Godfather Productions, tampok din dito sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, at iba pa.

Si Quinn ay naging bahagi ng Starstruck-Season 7 as Kyle Lucasan at isa sa tampok sa advocacy film titled Codep, ni Direk Neal Tan.

Kung siya ang papipiliin, ano ang mas gusto niyang gawin, mag-drama, comedy, or pa-sexy na project?

Tugon ni Quinn, “Kung ako siguro, I want na yung either sexy or something serious na project. Kasi nakikita ko naglalabasan na rin talaga yung mga indie films, mas nakikilala na sila ngayon. I think we are ready for these kinds of films na rin, like rati na mas gusto ng masa yung cutie, comedy, teensy romance, ‘di ba?

“Pero ngayon napapansin ko, naghahabol na talaga tayo sa kuwento at laman ng istorya, eh.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …