Sa Magikland, gumaganap si Miggs bilang si Boy Bakunawa. Apat silang bata rito na nagkatagpo dahil sa isang video game at si Miggs ang leader nila.
Ibinida ni Miggs ang mga dapat abangan sa kanilang pelikula. “Sa Magikland po kaabang-abang po… kasi first time kong mag-action at gagamit ng sword na parang si FPJ po sa Ang Panday,” aniya.
Dagdag pa ni Miggs, “Sa action part po feeling ko ako si FPJ, hehehe. Kasi po nakita ko sa movie po niya ang dami niyang kalaban eh. Super-saya at exciting po ng mga action scene rito sa movie namin.
“Dito po sa pelikulang Magikland, natuto akong humawak ng sword, nag-stunt workshop po ako at sa paghawak at galaw ng sword ko. Talagang pinaghandaan ko po, kasi kailangan pong makita na mahusay ako humawak ng sword.
“Nagkakalyo nga po yung kamay ko, kasi iniikot-ikot ko pa,” nakangiting sambit pa niya.”
Idol ba niya si FPJ at napanood niya ang movie na Ang Panday ni FPJ at ni Sen Bong Revilla? “Opo, gusto ko pong maging kagaya niya na lahat ng role kayang gawin at tumagal na artista hanggang tumanda po.
“Noong bata po ako napanood ko, pero di ko na po maalala kasi ang bata ko pa po noon. Iyong kay FPJ po, sa TV nakita ko po,” esplika pa ni Miggs.
Ang pelikula ay tinatampukan din nina Jun Urbano, Bibeth Orteza, Elijah Alejo, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Wilma Doesn’t, Jamir Zabarte, Kenken Nuyad, at marami pang iba. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Christian Acuña.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio