Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mara Aragon, surreal ang feeling sa nomination sa Aliw Awards

IPINAHAYAG ng talented na singer na si Mara Aragon na hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nang nalamang nominado sa gaganaping 33rd Aliw Awards sa December 15, na gaganapin sa Manila Hotel.

Si Mara ay nominado as Best New Artist of the Year. Ipinahayag niya ang labis na katuwaan sa blessing na natamo.

Aniya, “Sobrang surreal po sa feeling, kasi po kilala po yung Aliw Awards na nagbibigay po ng karangalan sa mga kilalang artista, and yet I am one of the nominees. Until now po, medyo unbelievable pa rin po, na-overwhelm po ako, pero sobrang nakakatuwa po.

“To win the award or not po, it would always be an honor to be one of the nominees in the Aliw Awards and a memory to keep. I would also like to thank Ms. Elizabeth Oshiro for seeing and discovering my talent which lead me to be one of the nominees in the said award.”

Pahabol pa ni Mara, “Sobrang nagpapasalamat po ako sa opportunity na ito and it leaves a message to everyone that those with the talent will be recognized in their time.”

Si Mara ay 1st year Communication student sa UST. Magre-release siya ng single next year entitled, I Wanna Run. Ito ay komposiyon ng the late Eloy Fernandez and produced by Studio Outback Digital Music Record Company.

Maaari rin siyang mapanood sa Facebook live na NagMARAhal’ every Saturday night sa kanyang official FB page na Mara Aragon. Magkakaroon din siya ng fundraising concert sa December 17, titled Pan De Coco Part-2 na naglalayong makatulong sa mga taga-Rodriguez, Rizal na binayo ng Bagyong Ulysses.

“Ang mga guest ko po sa concert ay ang The Pandemic Band, Supreme Boys, Ms. Gwen Fourniol, Vhize Nhegra, Abigail Britan, Jenilyn Fernandez, Arnold Urtola, Janine Halasan, at Tubbie Padilla,” sambit pa ni Mara.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …