Nagpasalamat din si Sean kay Direk Joel at sa lahat ng co-stars sa pelikulang ito, lalo na sa mga senior actors na very supportive sa kanya. “Maraming salamat po kay Direk Joel, thankful po ako sa mga senior stars na kasama ko rito, may mga take two na eksena po ako rito, pero hindi naman po sila nagalit, very supportive po sila sa akin, pati si Ms. Osang,” saad pa ng actor na nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carillo.
Sinabi rin ni Sean na ibinigay niya ang lahat para magawa nang tama ang hinihingi ng papel niya rito
Paano niya kinaya ang mga daring na eksena sa movie, lalo’t newcomer pa lang siya? “Sinabi ko na lang sa sarili ko na magfo-focus ako rito at ibibigay ko ang lahat. And yung kaba ko po habang nagsu-shooting, ginamit ko na lang iyon para maayos kong mai-deliver ang hinihingi ng role ko po.
“Iyong papel ko po kasi rito, parang may hawig talaga sa pagkatao ko. Si Inno (karakter niya) po kasi, isa siyang risk taker, na gagawin ang lahat para sa pamilya niya.”
Dagdag pa ni Sean, “Itong pelikulang ito… kasi yung iba kapag sinabing macho dancer, parang naiisip agad ng iba na bastos o malaswa… pero rito po sa Anak ng Macho Dancer ay iba po, marami po kayong mapupulot na aral sa movie namin.”
Ang pelikula ay under sa The Godfather Productions at mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan. Tampok din dito sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.
ni Nonie Nicasio