Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allan, nag-50-50 dahil sa Covid

NABINGIT sa kamatayan ang buhay ng komedyanteng si Allan K nang tamaan siya ng Covid-19 last August.

Pero inilahad lang ni Allan ang near-death experience niyang ‘yon nang mag-guest siya sa Eat Bulaga segment na Bawal Judgmental bilang isa sa choices na nagkaroon ng Covid-19 at isinugod sa ospital.

Kasama niyang guest si Wally Bayola na nadale rin ng virus, doctor ng Bulaga, ilang staff at personal assistant ni Alden Richards na si Mama Tenten Mendoza.

Ayon sa kuwento ni Allan, umabot sa 38 plus degrees ang lagnat niya ng ilang araw. Hindi ito mapababa ng gamot na iniinom niya.

Kasunod nito ang pagkawala ng panlasa, pang-amoy at walang tigil na pagsinok! Nadala rin siya sa ICU!

Severe case ang dumale kay Allan. Tinulungan siya nina Vic Sotto, asawang si Pauleen LunaJenny Ferre at ibang taga-Bulaga. Sa isang ospital sa Pasig City siya dinala kaya nagpasalamat din siya kay Mayor Vico Sotto.

Nagpasamat siya dahil hindi siya na-intubate!

Kumapit si Allan sa favorite verse niya sa Bible na paulit-ulit niyang sinasabi.

Kung nahuli raw siya ng punta sa ospital, malamang na namatay siya dahil sabi ng doctor kay Bossing, hindi maganda ang sitwasyon ni Allan.

Nang malampasan ang bagong dagok sa buhay, nagpasalamat si Allan sa lahat ng tumulong at nagdasal sa pangalawang  buhay niya!

Ngayong 2020, dalawang kapatid ni Allan ang magkasunod na binawian ng buhay. Nagsara ang dalawa niyang comedy bars.

Then, siya naman ang sinubok at nalampasan niya ‘yon! Salamat sa Diyos!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …