Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Nilda Tuason, gagawing instrumento sa pagtulong ang CN Halimuyak

PINANGUNAHAN ng CEO and President ng CN Halimuyak Pilipinas na si Ms. Nilda Tuason ang reopening ng branch nito sa Robinsons Novaliches last Dec. 5.

Kabilang sa present sa event ang CNHP endorser at kilalang PPop-Internet Hearthrobs at Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start, plus si DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM at DZBB 594 anchor.

Sina Kikay Mikay ay kabilang din sa endorsers ng CN Halimuyak Pilipinas.

Last March this year ay nagsara pansamantala ang nasabing branch dahil sa pandemic na dulot ng Covid-19.

Pangunahing layunin ni Ms. Nilda ay makatulong sa consumers sa presyong abot ng masa, sa mga nangangailangan, pati na rin sa mga gustong magnegosyo.

Aniya, “Nag-reopen po kami kasi po magsisimula na ang Christmas season at ang mga malls napakaraming magagandang offer na discounts. Para rin po matulungang bumangon ang mga maliliit nating kababayan na negosyante na nasa kanilang mall, lalo na po ang mga Robinson’s Malls na napaka considerate.”

Ipinahayag ni Ms. Nilda na ten percent ng kikitain ng kanilang store ay itutulong nila sa mga nangangailangan. “Gusto sana naming ihandog ang produkto natin sa mga kababayan sa presyong tunay na abot ng masa. Pinaplano po namin na maglagak ng bahagi ng aming kikitain para itulong natin sa mga nangangailangan nating kababayan. Kami po ay naghahanda ng maaaring mga handog o regalo na siguradong magagamit at kapaki-pakinabang po sa kapwa Filipino natin.

“Ten percent po ang iniisip namin, bukod pa po sa pagbibigay ng malaking discounts sa mga produkto na nababagay na pangregalo po.”

Nabanggit niyang perfect talagang pangregalo ang mga product ng CN Halimuyak. “Opo, kasi po marami na rin po ang natutuwa na gawing regalo ang mga produkto natin. Kasi po, lubos nilang hinahangaan ang magandang quality nito at siguradong ikasisiya raw po ng mga paghahandugan nito, bukod pa po sa magiging part sila ng pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong ngayon.

“Nauunawaan po natin na malaking bagay ang pagbibigayan tuwing Pasko, kaya po nais naming ihandog ang produkto natin na pinababa ang presyo para mas marami ang mabibigyan kung ang halaga ay mabawasan,” saad pa ni Ms. Nilda.

Ipinahayag din ng lady boss ng CNHP na sa Halimuyak, kikita na sila, makakatulong pa sila.

Ang iba pang produkto ng CN Halimuyak ay perfumes, colognes, 70 percent alcohol, humidifiers, massage oils, humidifier scents, hand sanitizers, disinfectants, deodorizers, antiseptic, at antimicrobial agents.

Sa mga gustong mag-order o mag-inquire, puwede silang bumisita sa page ng CN Halimuyak or tumawag sa 02-89263403 at 09178552822.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …