Si Carlo ay 22 years old at kasalukuyang nag-aaral sa College of Saint Benilde ng Music Production. Ang singer-composer ay naging parte na ng isang musical play.
Kinamusta namin kung nakagawa ba siya ng pandemic song sa kasagsagan ng Covid-19?
Tugon ni Carlo, “Hello po tito. Wala pa po akong nagagawa about pandemic po, eh. Pero nag-start na po kaming mag-arrange ng upcoming songs po.”
Iyan ba ang kanyang possible na next single? “Opo. Original song ko rin po. Ngayon po tatlong song yung tinatrabaho namin. And once natapos na po yung tatlo, roon po kami mamimili ng next single,” nakangiting esplika pa niya.
Paano niya ide-describe ang three new songs na ito? Lahad ni Carlo, “Actually yung three songs po na ‘to ay medyo iba sa Pasensya. Kasi more on emotions and lyrics po yung hina-highlight ko sa songs na ito and more on subtle and vibe. Gusto ko po kasing i-showcase yung versatility and range ng songs na nagagawa ko po.”
Sinabi rin ni Carlo kung ano ang wish niya sa pagpasok ng year 2021. “Sa pagpasok po ng 2021, sana ay matapos po namin yung songs para ma-release na yung independent EP (Extended Play) ko po.
“Iyong wish ko pa po this coming year, ma-perform ko po sana ng live yung mga songs na nagawa ko and maka-meet ng iba’t ibang tao within the industry,” sambit pa niya.
ni Nonie Nicasio