Tuesday , November 26 2024

Kim, may phobia sa pusa: Hinabol nang late umuwi

MAY phobia pala sa pusa si Kim Chiu kaya kapag nakakakita siya ng pusa ay talagang takot na takot na nagsimula noong bata siya.

Ang kuwento ni Kim sa ginanap na virtual mediacon ng iWant series na Bawal Lumabas, inabot siya ng gabi sa pag-uwi kaya hinabol siya ng mga pusa.

“’Yung lola ko ang nagsasabi ng bawal umuwi ng late. Tapos umuwi ako ng late, tapos inabangan ako ng mga pusa sa bahay namin kaya roon nagsimula ‘yung takot ko sa pusa kasi hinabol talaga ako ng limang pusa na hanggang ngayon, natatakot pa rin ako sa pusa lalo na ‘pag nag-eye to eye kami.

“Tapos dumikit talaga sila sa screen ng door namin kaya hindi ko na makalimutan kaya hindi na talaga ako uuwi ng late, kaya lang ako late ‘pag may work, pero ‘pag wala, umuuwi ako ng maaga,” say ng dalaga.

Anyway, sa panahon ng Covid19 pandemic ay aminado ang aktres na takot na takot siyang lumabas pero hindi puwedeng hindi dahil kailangan niya ng pera.

“Takot na takot ako kasi ‘yun ‘yung first time naming lumabas tapos napagod ako nang unang beses akong lumabas, bawal pero kailangang lumabas kasi kailangan kong mag-withdraw sa ATM dahil wala na kaming pambayad.

“’Yung buong taon na ‘to, parang tatlong buwan lang ‘yung ibinigay sa ating normal tayo, the rest parang nine months sa taon na ‘to na hindi na normal. Ang daming nangyari kahit itong mediacon natin na hindi tayo marunong sa ganitong bagay, buti na lang nagkaroon ng ganito. So, maraming things na naituro sa atin, ‘tong pagiging bawal lumabas,” pahayag ng dalaga.

Isa pang ipinagbawal kay Kim ay bawal siyang kumain ng hipon, pero dinedma niya, sabi nga, masarap ang bawal.

“Ang pinakabawal na sinabi nila huwag mong kakainin ‘to kasi allergic ka riyan,’ nagpumilit ako, kinain ko ang hipon.Aayun lumaki ‘yung mata ko, hindi ako nakahinga. Sobrang minor lang.”

Ang Bawal Lumabas ay hango sa panayam niya noong lockdown na bawal lumabas na naging kontrobersiyal na maging siya ay hindi rin niya naintindihan kung bakit nasabi ang mga iyon.

Sabi niya noon, “Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.” 

Naging bukambibig ang sinabing ito ni Kim kaya ginawan ito ng memes na bumida sa Tiktok.

Kaya naisip ng Dreamscape Entertainment na gawan ito ng kuwento at heto naging series na at mapapanood sa iWant TFC handog ng Dreamscape Entertainment at mapapanood sa Disyembre 14 mula sa direksiyon ni Benedict Migue. Kasama rin sa series sina Rafael Rosel, Kyle Echarri, Francine Diaz, Trina Legaspi, Paulo Angeles, at Giselle Sanchez.

Samantala, makare-relate ang marami sa kuwento ni Emerald (Kim), isang overseas worker na nakapagtrabaho na sa iba’t ibang bansa para suportahan ang kanyang pamilya. Dahil ulila na silang magkakapatid, ibang klase ang dedikasyon niya sa trabaho dahil sa kagustuhang matupad ang pangarap ng mga namayapa nilang magulang para sa kanilang pamilya.

Matapos ma-expire ang kontrata sa huli niyang trabaho, umuwi sa Pilipinas si Emerald para makasama ang mga kapatid na sina Onyx (Paulo), Ruby (Trina), at Jade (Francine) ngayong Pasko.

Ngunit sa tagal niyang nawalay sa kanila, mahihirapan si Jade na pakisamahan ang mga kapatid, lalong-lalo na ang rebeldeng si Jade, dahil tila malayo na ang loob sa kanya nito.

Dahil dito, susubukin ni Emerald na mapalapit kay Jade at magiging classmate nito. Bukod sa hirap na siyang makuha ang loob ng kapatid, mas magiging komplikado rin ang sitwasyon dahil ang teacher pala nila ay ang kanyang ex-boyfriend na si Jonjon (Rafael).

Sa pagpipilit ng kanyang sarili at pakikialam sa buhay ni Jade, lalo lamang iigting ang tensiyon sa magkapatid at madadamay pa pati ang relasyon ni Emerald kina Onyx at Ruby.

Tampok din sa serye ang hit song ni Kim na Bawal Lumabas, na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo. Available na rin ang Christmas remix ng Bawal Lumabas song ni Kim sa iba’t ibang music streaming platforms.

Mapapanood ng standard at premium subscribers ang Bawal LumabasThe Series simula Disyembre 14 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas araw-araw tuwing 6 PM hanggang Disyembre 19.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PAni Rommel Placente SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez …

Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa …

Showtime GMA 7

It’s Showtime renewal sa GMA pinag-uusapan pa

I-FLEXni Jun Nardo “WE are now in the process of negotiations for the renewal of …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Direk may kakaibang modus kapalit ang pagpi-finance ng kanyang movie

ni Ed de Leon Kaya pala ipinipilit ni direk ang isang male starlet na ipakilala niya sa isang kaibigan …

Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday

HATAWANni Ed de Leon MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *