Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diane de Mesa, pangungunahan ang Christmas Caroling Show

TATAMPUKAN ng Princess of Love Songs na si Diane de Mesa ang virtual concert na pinamagatang Christmas Caroling Show-A Holiday Special na mapapanood sa Facebook live.

Mga awiting pang-Paskong Pinoy ang itatampok dito. Mapapanood ito sa Dec. 11 @7pm (California)/ Dec. 12 @3pm (Philippines) sa mga Facebook Pages ng PinoyOnlineRadio / Channel31Online TV/Wiz Network/ at sa mga Facebook pages at Youtube channel ni Diane @ msdianeg.

Si Ms. Diane ang nag-organisa ng event na ito kasama ang tatlong Filipino-American organizations sa Amerika- ang FASAE (Filipino-American Society of Architects & Engineers), FAREPA (Filipino-American Real Estate Professionals Association), at ang (FACCSV) Filipino-American Chamber of Commerce of Silicon Valley.

Kasama rin sa event ang Milpitas Council member-Elect na si Miss Evelyn Chua.

Mapapanood din dito sina Yenyen Mahinay, Danalin, Prince Ariello, Emping, Zenna, Ivy Gutierrez, Joe Valdes, Sparkly Girls, Lae Manego, Jordan Perpetua, Prinsesa, Cenen Garcia, Zeyonce, Megan Zamora, Roga, Khenzuya Yamamoto, George Nalapo, at Christian Andrade.

Bakit niya naisipang mag-organize ng ganitong event?

Tugon ni Ms. Diane, “Para maramdaman pa rin ang diwa ng Pasko kahit may pandemic at ma-promote na rin ang mga awiting Paskong Pinoy kahit saan mang dako ng mundo. Nawa’y maramdaman pa rin natin ang diwa ng Pasko kahit may pandemya sa pamamagitan ng musika.”

Incidentally, pakinggan ang bagong kanta ng singer-songwriter na si Ms. Diane, ito ang Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko na ang mensahe ay ukol sa pandemya. Inareglo ito ni Elmer Blancaflor.

Sa official music video na inilabas ni Diane ay kanyang itinampok ang mga video clip ng mga kaibigan sa industriya at sa kanyang personal na buhay. Makikita at mapapanood ang official music video sa Facebook at Youtube. Makikita sa video ang iba’t ibang klase ng pagmamahal sa pamilya at sa bawat isa, at tuloy pa rin ang Pasko kahit nasa gitna ng kahirapang pinagdaraanan ng mundo ngayon.
Listen, download and stream ang kanta ni Diane sa Spotify, iTunes, Youtube Music at iba pang digital sites.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …