Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Rendez tunay ang malasakit kay Guy, masaya kapag nahirang na National Artist ang Superstar

ISA si John Rendez sa tunay na nagmamalaksakit at nagmamahal sa nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

Kaya malinaw na na-misinterpret lang siya sa ipinahayag sa isang panayam.

Naging kontrobersiyal kasi ang tinuran ni John nang nag-guest sa programa nina Gorgy Rula at Morly Alinio sa DZRH noong December 4. Hiningan ng sagot ang singer-composer kung ano ang masasabi sa muling pag-nominate sa Superstar bilang National Artist.

Aniya, “Kung ako sa kanya, ibigay sa akin, hindi ko na tatanggapin. Tatanggihan ko na lang… Hindi ko na kailangan iyan. Kilala ko na ang sarili ko.”

Sa totoo lang, nasasaktan si John kapag ukol sa usaping National Artist. Bilang matalik na kaibigan ni Nora, minsan ay may nasasabi siyang hindi maganda dahil siguro dalawang beses nang iniligwak ang Superstar sa parangal na ito lalo na noong panahon ng dating Pangulong Noynoy Aquino.

Pero hindi lang si John ang may ganitong naramdaman nang unang i-nominate ang aktres at hindi ipinagkaloob sa kanya. Maraming mga tagahanga at mga kaibigan ang Supestar na desmayado at nagalit.

Marami ngang mga samahan ng guro sa iba’t-ibang unibersidad ang hindi nagustuhan ang desisyon noon ni PNoy, kaya naman binigyan siya ng award bilang People’s National Artist.

Pero sa totoo lang, sa puso ni John ay magiging maligaya siya kung gagawaran ang Superstar ng long overdue na award na ito. Ngayon pa ba niya iiwan sa ere ang kaibigan na matagal na silang nagdadamayan?

For sure, 100 percent ay isa siya sa mga magdiriwang oras na ipagkaloob na ito sa aktres. At totoo iyan, dahil isa si John sa naniniwala sa sining ng isang Nora Aunor.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …