Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ivana Alawi, gustong makapareha ni Gari Escobar

NGAYON pa lang, pinaghahandaan na ng magaling na singer na si Gari Escobar ang paggawa ng pelikula. Bagamat abala sa kanyang singing career, isinasabay niya ang acting workshop kay Cherie Gil. Gusto rin kasi niyang umarte.

Kuwento ng prolific singer/songwriter nang makapanayam namin ito, “Tapos na po ‘yung kay Ms. Cherie Gil, nag-start po ito noong August 14. Bale, online acting workshop. At may bagong acting workshop po uli ako under Direk Jo Macasa, na nag-start na po last September 19. Plus, may iba pang online trainings na bahagi rin ako.”

“Unang session pa lang (w/ Cherie), ang dami ko nang natutuhan, parang isang book na ang katumbas. Feeling ko para na rin akong natuto sa mga mentor niya na sina Direk El Maestro Elwood Perez (a dear friend of mine too) at Direk Peque Gallaga na puring-puri niya pareho.”

Sinabi pa ni Gari, “Actually, pangatlong acting workshops ko na ito, una po ay kay Direk Brillante (Mendoza), then sa INC, under kay Ms Flordeliza Salanga na award-winning actress po.”

Hinahanggan ni Gari sina DolphyVilma Santos, at Michael V. At sakaling makagawa siya ng pelikula, si Ivana Alawi ang una niyang gustong makapareha. Gusto rin niyang maka-work sina Maricel Soriano, Cherie, Bela Padilla at Nora Aunor.

Giit ni Gari, type niya si Ivana na makasama sa pelikula dahil sa kakaiba ang kaseksihan nito.

Sa kabilang banda, thankful si Gari sa nominasyong natanggap niya sa Aliw Awards, ito ay ang Breakthrough Artist of the Year at Best Pop Artist.

Aniya, “Sobrang natuwa po ako sa panibagong blessing, kasi rati naririnig ko lang ang ‘Aliw Awards,’ na mayroon niyan ang mga idol ko, tapos ngayon po nominated ako… Kaya para akong nakalutang sa sobrang saya.”

Samantala, naging matagumpay ang unang virtual concert niya last October 18, ang Gari Escobar Live! My Life! My Music! kaya masusundan ito ng isang virtual concert. Ang unang plano ay sa Casino Filipino sa Manila Bay gagawin pero dahil maraming restriction, nag-decide siyang gawing virtual na lang.

Esplika niya, “Mahigpit po pala kung magso-show sa mga hotel, need pa po ng swab test, at may iba pang requirements. Kaya gagawin na lang muna po naming virtual concert uli. Ang title po is ‘Mga Hugot ng Puso,’ 7:00 p.m., kasama ko rito ang band kong Spectrum.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …