Ano ang masasabi niya na after three years ay bida na ngayon si Sean?
Masayang saad ni Ms. Len, “Very-very-very proud, sobrang proud ako sa kanya, nag-pay off na lahat ng hirap niya. Yeah, pati na hirap ko, hahahaha!”
Patuloy pa niya, “Hindi ko inaasahan ito… sa akin, parang too early ang three years… Ako, ang mga ine-expect ko, mga five years (bago dumating ang ganitong break). Kaya sobrang blessed niya talaga.”
Nabanggit din ni Ms. Len na nag-renew na ng kontrata sa kanya si Sean.
“He just renewed, yes… nang nakuha niya itong lead role sa Anak ng Macho Dancer. Kasi nag-expired kami, last August…
“Then, nang nakuha siya sa audition na ito, tumawag sa akin si Sean, umiiyak siya niyon at ang sabi niya sa akin the next day, ‘’Nay mag-renew na tayo ng contract.’”
Dagdag pa niya, “Sobrang bait ni Sean, iyong loyalty niya, wala talaga akong masabi.”
Iyong Clique V, ilan pa po ba sila ngayon? “Seven pa rin, kaya lang silang tatlo may kanya-kanyang career na, which is si Gelo (Alagban), si Karl (Aquino) and si Sean. Hopefully, si Marco (Gomez) naman ang next, may mga offer naman, eh,” aniya pa.
Ano ang lagi niyang pangaral sa kanyang mga talent?
Tugon niya, “Ang lagi kong sinasabi sa kanila na paulit-ulit, na huwag silang makakalimot kung saan sila nanggaling.”
Okay lang po ba na nagpa-sexy si Sean?
“Sa akin okay lang naman, as long as maganda ang story. Kasi itong Anak ng Macho Dancer ay sobrang maganda iyong story. ‘Tsaka Joel Lamangan is Joel Lamangan, kapag gawa ni Joel Lamangan ay may art, eh. At hindi siya yung tipo ng movie na bastusin, no, hindi bastusin ang movie,” nakangiting esplika ni Ms. Len.
Tampok din sa Anak ng Macho Dancer sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.
ni Nonie Nicasio