Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joed Serrano, may favoritisim?; Ricky Gumera, mas sinuportahan?

ININTRIGA noong Linggo ang producer ng Anak ng Macho Dancer at may-ari ng GodFather Productions, si Joed Serrano dahil sinasabing siya ang may pakana ng bonggang pagpapakilala sa isa sa mga bida nito na si Ricky Gumera,.

Bonggang kasi ang nangyaring media conference na ginanap sa poolside ng The City Club, Alphaland, Makati na may ginawang eksena si Ricky. Kaya naman nagkagulo ang mga dumalong entertainment press nang lumabas itong balot na balot at pagkaraan ay unti-unting hinubad ang mga suot hanggang ang natira na lamang ay ang napaka-seksing bikini brief at saka lumangoy.

Ayon kay Joed, naroon siya para suportahan si Ricky, tulad ng pagsuporta sa lima pang kasama rin sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

“Pakana ito ni Meg (Perez), ‘yung manager niya. Sinabi niya sa akin na may ganitong drama. Siyempre bilang artista namin at kasama siya sa pelikula ko, bakit ko naman ipagdadamot ang suporta ko.

“Tulad lang din yan ng pagsuportang ibinibigay ko roon din sa iba pang artista na baguhan na tulad ni Ricky. Sila rin ay may kanya-kanyang launching. Si Ricky ngayon, susunod naman ang iba. Walang favoritism, suportado ko silang lahat,” paliwanag pa ni Joed.

Ukol naman sa balitang binigyan niya ng house and lot si Ricky, ito naman ang kanyang paliwanag.

“Nanlumo kasi kami ni Meg nang minsang napunta sa bahay nila sa Cavite. Nakita ko na ipinaaayos n’ya nga ‘yun. Mas okey pa nga raw ‘yujng nadatnan namin kompara noon.

“Natanong ko si Ricky kung sa kanila ba iyong bahay at lupa. At nasabi niya na rights lang. So sabi ko, ‘wag nang ipaayos, lika na hanap tayo ng bahay. Kaya ayun naghanap kami at nakalipat na sila ng pamilya niya agad sa nakita naming bahay at lupa.”

Ang tinutukoy na bahay at lupa at pagtatrabahuhan naman ni Ricky. “’Yung ibinayad ko na good for one year, ibabawas doon sa share ni Ricky kapag kumite ang ‘Anak ng Macho Dancer.’ Nangako kasi ako na divided by 6 sa lahat ng kikitain sa pelikula itong mga bagets na ito, bale pang-anim nga ako. Kaya ayun ikinuha ko na sila ng bahay.”

Samantala, magkakaroon ng uncut premiere night ang Anak ng Macho Dancer ngayong December sa UP Film Theater, kaya abangan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …