Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Derek Ramsay

Andrea Torres ayaw nang live-in set-up kay Derek Ramsay (Sa 2025 pa raw kasi pakakasalan )  

OO nga’t pa-sexy ang images ni Andrea Torres, pero galing pala sa conservative family ang Kapuso actress.

At ‘yung live-in set-up pala nila ni Derek ay matagal nang kontra ang pamilya ni Andrea pero dahil mahal ng dalaga si Derek ay ipinaglaban niya.

Kaso ayon pa sa ating source, hindi na raw makayanan ni Andrea ang pressure na gusto ng mga mahal niya sa buhay specially her Dad na dapat makasal na sila ni Derek. Pero hindi naman pala priority ni Derek ang kasal dahil may commitment pa raw ang aktor hanggang 2022.

Well siguro naisip ni Andrea na kaysa mag-antay sa wala mas dapat na wakasan niya ang isang taon at kalahating pakikipagrelasyon sa aktor. Oo nga naman kasi pagdating ng 2022 para makaiwas sa kasal ay may ibang drama na naman itong si Derek. Saka matagal na raw magulo ang relasyon ng dalawa at hindi lang nila ito ipinahahalata sa publiko.

‘Yung sinasabing third party na si Pops Fernandez ay biktima lang daw ng tsismis. Oo mahilig sa batang karelasyon si Pops pero hindi raw priority ngayon ng Concert Queen ang love.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …