Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Himala’y Laganap ni Charo Laude, may hatid na pag-asa sa lahat  

AMINADO si Charo Laude na bata pa lang ay pangarap na niya ang maging beauty queen, artista, at singer. Kaya naman labis ang katuwaan niya nang ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.

Kamakailan ay naging kompleto na ang pagiging singer ni Charo nang maging recording artist na rin siya. Nagkaroon ng launching ang kanyang single na Himala’y Laganap sa bagong bukas na Simon’s Supremo Bar sa Tomas Morato, Quezon City. Si Lance Raymundo ang nagsilbing host sa naturang event.

Nabanggit ni Ms. Charo na sa sobrang tuwa niya, hindi niya maipaliwanag ang sobra-sobrang kasiyahan na kanyang nararamdaman. Na kahit daw nasa gitna ng pandemic ay may mga biyaya pa rin na dumarating sa kanya.

Paano niya ide-describe ang single niyang Himala’y Laganap?

Esplika niya, “‘Yung single ko is more on inspiring the Filipinos, all the people around the world, na despite the pandemic, we should still celebrate.

“Yes, talagang napaka-inspirational ng song. Alam mo ‘yun? Lalo na sa atin, ‘yung mga Filipino ‘di ba, mga pamilya na kahit wala rito sa Philippines, kahit nasa ibang bansa na parang kapag narinig nila ‘yung kanta, parang ang feeling nila kasama pa rin nila sa Pasko ang kanilang mga mahal sa buhay.”

Ang Himala’y Laganap ay komposisyon at produced ni Abe Hipolito under Alakdan Records. Mapapakinggan na ito sa Spotify at Apple Music. Kasama rin sa album ang revival ng Miss Kita Kung Christmas.

Nagsimula ang showbiz career ni Ms. Charo bilang member ng Monday group ng That’s Entertainment. Mula rito, siya ay naging bahagi ng Binibining Pilipinas noong 1998. Siya ay naging Mrs. Universe Philippines 2019 at ngayo’y National Director ng Mrs. Universe Philippines pageant.

Si Charo ay may ginawang TV series like Kadenang Ginto. Sa pelikula naman, parte siya ng casts ng MOAX at Jolly Spirit Squad na parehong tinatampukan ni Joaquin Domagoso.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …