Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rocco Nacino, naghatid ng tulong sa Rizal

NAKIISA ang Kapuso actor at Navy Reservist na si Rocco Nacino sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal noong Linggo, November 15.

Inilunsad ng team S.T.A.R.S. ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps ang relief operation na halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials tulad ng damit na ibinigay ng BCMC Class 01-20 Batch Dakila.

Samantala, dumulog din si Rocco sa social media para makalikom ng donasyon para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Post niya sa Instagram, “Sa mga Kapusong handang tumulong, nandito muli ang @gmakapusofoundationph para iparating ang tulong ng taong may gintong puso para sa mga nasalanta ang kabuhayan, tirahan at mga naulilang mahal sa buhay. Kaisa ang GMA Kapuso Foundation sa pagabot ng tulong sa marami nating naapektuhang kababayan. Maraming Salamat, mga Kapuso! We can do this.” 

Para sa mga nais mag-donate, bisitahin lang ang: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …