Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapuso artists, kanya-kanyang paraan sa pagbibigay-ayuda sa mga biktima ni Ulysses

PUMARAAN ang ilang Kapuso artists para magbigay ng ayuda nitong nakaraang mga araw sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Namigay ng relief goods ang The Clash judge na si Ai Ai de las Alas bago sumabak sa lock in taping ng bagong series niyang Owe My Love.

Sa Marikina ang destinasyon ng Comedy Queen katuwang ang kanyang choreographer na si Ron Sto. Domingo. Ipinagamit ng kapatid ni Ron ang bahay nila para lagayan ng relief goods. “Hindi natutulog ang Panginoon!” bahagi ng caption ni Ai Ai sa Instagram.

Lahat naman ng kinita ng business niyang As Nature Intended noong November 14 at 15 ang donasyon ni David Licauco sa relief efforts.

Nag-livestream naman si Alden Richards nitong Linggo ng gabi para makalikom ng pera para sa mga biktima ng bagyo.

Mahigit P200,000.00 ang naipon ng Asia’s Multimedia Star sa nag-donate ng “stars” na naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars ay may katumbas na halaga para i-donate niya.

Sa Dela Costa 5, Rodriguez,  Rizal naman tumulong ang Navy Reservist at Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials. Katuwang niya sa operations ang team S.T.A.R.S ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps.

Sa mga gusto namang tumulong, puwede ninyo itong ipaabot sa GMA Kapuso Foundation.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …