Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Cristy Fermin

Cristy Fermin at Kris Aquino pareho ng style (Power tripper galit sa kapwa power tripper)

GALIT na galit si Manang Cristy Fermin sa pangmamaliit at pang-aapi kuno ni Kris Aquino sa kasamahan nila ni Lolita Solis sa kanilang digital show na si Mr. Fu.

Tungkol ito sa special project ng Puregold na 8 episodes ang iho-host ni Kris kasama sina Cristy at Lolit. Actually ang dalawa lang ang gustong makasama ni Kris pero dahil sa emote nilang isama si Mr. Fu sa show ay pinagbigyan naman sila si Kris pero request daw ng Queen of All Media ay 4 episodes ang ibibigay kay Fu, bilang tryout na kapag maganda ang feedback ay baka makasama pa rin nila sa walong episodes.

Well, hindi raw nagustohan ni Manang Cristy ay ang text ni Kris na hindi niya kilala at hindi nila ka-level ni Cristy at Lolit si Mr. Fu. Dito na nagwala si Manang Cristy at hayun araw-araw na nitong tinitira si Kris sa kanyang Cristy Per Minute show sa Radyo Singko at sinabi pang kahit na magdidildil siya ng asin ay hindi na raw niya tatangapin ang show.

Iba naman ang pananaw ni Lolita, naiintindihan raw niya ang side ni Kris. Pero si Cristy pinaninindigan talaga ang pagiging power tripper ni Kris na ginawa na rin daw nito noon sa dating co-host ni CSF na si Wendell Alvarez. Ayaw raw makasama ng TV host sa interview sa kanya ni Cristy sa Radyo Singko noong 2018.

Pero teka may ganitong record din si Manang Cristy. Tandang-tanda pa ng inyong kolumnista na tinawagan kami ng production staff ng buhay pa noong Showbiz Linggo dahil may live interview raw kami kay Manang Cristy, ukol ito sa demandang libel sa akin ng sikat at multi-awarded actress. Pero hindi ito natuloy, at nalaman namin mula sa isang source na ayaw raw ni Cristy na interbiyuhin kami sa kanilang show.

So anong tawag mo rito, malinaw na mapangmaliit rin ang nasabing entertainment columnist-radio host. Well sa awa ng Diyos at wala namang mali sa aming isinulat kaya hanggang piskalya lang ang isinampang libel case sa amin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …