“Kumbaga walang ibang pinagpilian, ako talaga unang naisip, ako talaga mula sa pag-iisip pa lang nitong Happy Time. So, sobrang flattered ako ‘tsaka sobrang blessed.”
Nagpa-abot din ng pasasalamat si Kitkat sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Net25.
“Thankful po ako, sa rami po ng walang trabaho, mapa-showbiz or hindi, kahit marami po akong projects na na-turned down sa takot sa virus, super thankful po ako and I know bigay talaga sa akin ni God ‘to.
“Naniniwala po ako na ang lahat ng bagay kapag para sa iyo ay para sa iyo po. Hindi ipipilit, hindi gagawan ng paraan… Divine intervention po kumbaga.”
May pressure ba na katapat nila ang It’s Showtime at Eat Bulaga?
Mabilis na sagot ni Kitkat, “Ay hindi, never. Simula noong nag-umpisa kami sa rehearsals, wala.
“Sinasabi namin lagi na hindi kami nakikipagkompetensiya, bukod sa… roon kami galing, eh. At saka, ano kami, chill lang… Hindi yung parang sasabihin na sino mas mataas, mas maraming views, sino may ratings or what, basta kami happy at lahat kami may trabaho,” wika pa ng versatile na comedienne, singer, at TV host.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio