Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Mendoza, makahulugan ang single na Pasensya

LAST year nagsimula sa pagsabak sa mundo ng showbiz si Carlo Mendoza.

Mula rito, ang newbie singer-composer ay naging parte na ng isang musical play at nakapag-release ng single na Pasensya. Ito ay available na sa digital platform tulad ng Spotify, iTunes, at Youtube.

Paano niya ide-describe ang kanyang unang single?

Saad ni Carlo, “Iyong Pasensya po ay emotional and deep. Kasi lahat po ng mga effects po rito na ginamit ay may meaning po.”

Sino ang musical influence niya at idol na singers and composers?

Esplika ng talent ni katotong Jobert Sucaldito, “Ang mga musical influences ko po ay mostly mixed of international and local artists like Bruno Major, Daniel Caesar, LANY, and Frank Ocean. Sa local naman po ay sina Gary V, Jay R and Ben & Ben.

“In terms of songwriting, fan po ako ng Ben & Ben.”

Pang ilang komposisyon na niya ang Pasensiya? “Iyong Pasensya po ay one of the first songs na mga naisulat ko, pero ito po yung first song na ini-release ko,” aniya.

Nabanggit din ni Carlo ang artist na dream niyang maka-duet kung bibigyan ng pagkakataon.

“Dream artist na maka-duet ko po siguro is Ben & Ben and Frankie Pangilinan as of the moment,” nakangiting wika pa ng 22 years old na si Carlo na kasalukuyang nag-aaral sa College of Saint Benilde ng Music Production.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …