Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Myrtle Sarrosa ipinag-produce ng virtual concert ng Borracho Film Production

LUCKY si Myrtle Sarrosa sa pag-transfer niya sa GMA7 from ABS-CBN dahil kahit nariyan pa rin ang CoVid-19 pandemic ay hindi siya nawawalan ng proyekto.

Dalawang projects ang ibinigay ng Borracho Film Production kay Myrtle ang movie na “26 Hours: Escape From Mamapasano” at ang kanyang solo (virtual) concert na may titulong “Myrtle Still Love Me.”

Guest ng singer-actress dito si Gerald Santos.

 

Yes sa pamamagitan ng virtual concert this Nov 28, at 8:00 pm ay kakantahin ni Myrtle ang ilan sa kanyang repertoire na siguradong magugustohan ng manonood ng kanyang show. Yes hindi biritera si Myrtle pero tiyak na kaiinlaban mo ang kanyang boses.

 

Pumalo na pala sa 9.2 million ang music video ng nasabing singer para sa awitin niyang “Mr. Kupido” kapartner niya sa MV nito si Enrique Gil. Nasa more than 500K views naman ang kanyang Mr. Pakipot music video. Sa mga nais na siya’y mapanood you can book your tickets now at ticket2me.net. At bukod kay Gerald, may ilan pang surprise guest artist sa concert.

 

Samantala sa Mamasapano movie ay may mahalagang role si Myrtle kasama si Ritz Azul bilang TV field reporters na dalawa sa mga nag-cover noong kasagsagan ng Mamapasapano masscare sa Zamboanga.

 

Malaki ang pasasalamat ni Myrtle sa tiwala at break na ibinigay sa kanya ng Borracho Films kaya nag-promise siya na gagalingan niya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …