Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Kapamilya actress kinamumuhian ng mga extra sa sama nang ugali

TALAGA pa lang may attitude itong si Kapamilya actress na ‘feelingera’ noon pa at ang tingin sa mga extra talent sa kanilang teleserye ay hindi niya kauri.

Kalokah, kitang-kita at dinig raw ng isang male talent na madalas mag-extra bilang crowd o minsan ay may dialogue sa mga show sa ABS-CBN at GMA nang sabihan ni actress ang kausap nilang hunky actor na bakit raw nakikihalubilo sa kanila gayong mga extra lang sila at hindi naman artista. Kaya Pati raw mga co-actors ni actress na bida sa ating blind item ay naiirita sa kasagpangan ng pag-uugali nito na hindi rin nakikisama sa kanila.

Ang taas-taas raw talaga ng tingin sa sarili ni actress na kung makaasta sa set ay big star gayong hindi man lang niya naabot ang kasikatan ng kanyang mga co-star sa serye. Saka ano raw ba ang maipagmamalaki nito e, kung hindi pa pumatol sa kilalang politiko ay hindi naman umangat ang buhay.

Yes nagkaroon siya ng building sa popular na probinsiya pero hindi naman galing sa kanyang pag-aartista kundi bigay ito regalo sa kanya ng sugar daddy

politician from the South. Mahulaan n’yo kaya ang name ni actress na supladita’t matapobre?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …