Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie, hirap man sa lock-in taping: Ok lang bread winner ako, kaya laban lang

INAMIN ng buong cast ng teleseryeng Bagong Umaga na sina Tony Labrusca, Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores, Barbie Imperial, at Heaven Peralejo na nahirapan sila sa lock-in taping pero okay na rin dahil may trabaho sila kaysa wala.

Para kay Barbie, nagpapasalamat siya dahil masuwerteng may trabaho ngayong pandemya dahil maraming artista ngayon ang nganga.

Aniya, “mahirap po talaga lalo na kung nasanay kang kasama mo parati ang pamilya mo. Inaatake (anxiety) noong first week kasi hindi ko kasama ang kuya ko, pero ‘yung mama ko po kasama ko rito.”

Hindi kasi biro na dire-diretso ang taping nila sa 12 hours kasi sinusulit dahil ito lang ang oras na ibinigay ng FDCP na approved ng DOLE. Bukod dito ay sobrang higpit ng health protocols ng ABS-CBN na sumusunod sa patakaran ng IATF.

Kaya sa tanong kung papayag ulit si Barbie na magka-project pero lock in.

“Kung bibigyan po ulit ako ng project okay po lalo na sa part ko bread winner ako kaya laban lang po ng laban,” sambit ng dalaga.

Ano ang matinding kontrobersiyang pinagdaanan sa buhay ni Barbie at paano niya ito nalusutan para makita ang bagong umaga.

“’Yung worst po na nangyari sa akin ay ‘yung about sa dad ko na alam naman po ng lahat eversince PBB (Pinoy Big Brother 737 alumna).  Ang mom ko po ang bagong umaga ko at lahat po ng ginagawa ko ay para po sa kanya,” pahayag nito sa ginanap na virtual mediacon para sa seryeng Bagong Umaga.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …