Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven sa pagpalit kay Julia—Ginagalingan ko, pressured ako

SECOND choice man, hindi ito mahalaga kay Heaven Peralejo. Ang pagkapili sa kanya para gampanan ang napakahalagang papel sa pinakabagong handog ng ABS-CBN, ang Bagong Umaga ang pinahahalagahan niya.

Sinasabi kasing si Julia Barretto ang dapat na bida sa teleseryeng ito na ang unang titulo ay Cara Y Cruz. Naetsapuwera si Julia nang umalis sa Star Magic para lumipat ng Viva Artist Agency.

Katwiran ni Heaven nang matanong ukol sa pagiging 2nd choice, sa virtual presscon ng Bagong Umaga“It’s a blessing in disguise kaya nagpapasalamat talaga ako lagi, so, ‘yon lang po. Ang ginagawa ko lang talaga ay ginagalingan ko every scene.

“Nandiyan naman po ‘yung director namin para tulungan kami. Lalo na ‘yung mga castmate ko, sobrang galing din po nila na kahit ikaw mismo madadala ka sa galing nila,” giit pa niya.

“Rito po sa ‘Bagong Umaga,’ lahat po kami, kahit veterans po, sobrang bait po nila. Like sila Tita Rio (Locsin), alam n’yo si Tita Rio, smiling face.

“Dito para kaming pamilya, eh.

“Siguro dahil lock-in po kami and everyday kaming magkakasama, we became a family. And every time na nasa set ako, it’s a happy set for me,” aniya pa.

Hindi naman itinanggi ni Heaven kung gaano siya kasaya ngayong bida na siya sa isang teleserye. “Kung alam n’yo lang po kung gaano ako kasaya. Kung gaano kasaya ‘yung puso ko para maibigay sa akin itong role na ‘to.”

“Sobrang thankful ako kina Mamu (Rizalina Ebrigea ng RGE Drama Unit), of course sa production, sa mga directors, sa ABS for giving me this opportunity.”

Bukod sa masaya, aminado rin ang batang aktres na pressured siya dahil tiyak na mataas ang expectation sa kanya ng netizens.

“I’m very grateful, and at the same time, pressured. Binigyan nila ako ng chance para i-showcase ‘yung kung ano ba ang kaya kong ibigay sa mga kapamilya natin.

“Pero for me, masayang pressured din para, at least, gagalingan ko every time. Para matuwa naman ‘yung ating viewers,” tsika pa ni Heaven.

Kaya sa Oktubre 26, bagong barkada ang magbibigay ng pag-asa at aral sa mga manonood sa bagong serye ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Bukod kay Heaven, kasama rin sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, at Yves Flores na iikot ang serye sa anim na kabataang magkakabit ang kuwento dahil sa kani-kanilang nakaraan.

Makakasama rin ng barkada ang mga premyadong aktor na sina Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Glydel Mercado, at Rio Locsin. Ito’y mula sa produksyon ni Rizza G. Ebriega, na siya ring naghatid ng mga ‘di malilimutang seryeng Nang Ngumiti Ang Langit at Pamilya Ko.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …