Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi Sta. Maria, natawa nang tanungin kung in love nga ba siya; Ina muna ni Thirdy, bago ang lahat

TINAWANAN lang ni Jodi Sta Maria ang tanong ni Dondon Sermino ng Abante kung inlove siya ngayon. Nangyari ito sa virtual conference ng pinakabago niyang negosyo, ang Healthy Fix Store Co., isang wellness company na ang layunin ay makatulong sa komunidad na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan o negosyo gayundin ang pagpapalakas ng immune system.

Pero sa totoo lang, hindi na naman siguro kailangang sagutin pa ni Jodi kung inlove nga siya dahil lahat ay nagsasabing kakaiba ang glow niya ngayon. Pero sinagot ito ng aktres. “Si RB Changco kasi nilagyan ako ng pa-glow kaya glowing, ha ha ha.”

Anumang gawing palusot ni Jodi, bakas ang kasiyahan sa kanya. Isang patunay na may nagpapasaya nga sa kanya ngayon. Maging mailap man siya sa pagbibigay ng detalye hindi na rin siguro kailangan iyon dahil pasasaan ba’t ise-share rin niya iyan pagdating ng panahon. Hindi ba naman, kamakailan ay kumalat sa social media ang masaya at sweet photos nila ni Raymart Santiago? Wala mang pag-amin sa kanilang dalawa, eh ebidensiya na ang mga picture nila together.

Anywat, isa pa sa nagpapasaya kay Jodi ay ang journey na inumpisahan niya, ang pakikipagsanib-puwersa niya sa mga kilalang negosyanteng sina Nino Bautista at Red Gatus. Ito nga iyong HealthyFix Store Co.,  isang wellness company na magbibigay ng opportunity sa mga gustong magsimula ng business.

At bago ang virtual conference ay nagpadala na ng sample sina Jodi, Nino, at Red ng naturang food supplement at naibahagi ni Jodi na pinasok niya ang negosyo hindi para may gusto siyang i-achieve pa kundi mas nagnanais siyang makatulong.

“You know what, at the end of the day, it is no longer about what I want to achieve in life. Coming to that realization that is more to life than just me, or my life revolving around myself.

 “How can  I make life better for those who want to make their lives better? At the end of the day, it is no longer about your achievements, your money of your accolades.

“It is really about whether you have made a difference in the life of one person. And you do for one what you cannot do for all,” ani Jodi.

Iginiit pa ng aktres na una sa kanila ang pagtulong.“For me, I think whatever I am doing right now, it is no longer for myself na, eh, especially with Heathy Fix, talagang it is offering a helping hand to those who need it. 

“’Yun naman talaga ang naging core ng business namin, ng company namin. Na mag-o-ffer ka ng maganda at de-kalidad na produkto and at the same time ay makapag-offer ka ng tulong, ng business opportunity sa mga nangangailangan o sa mga gustong magnegosyo.”

Giit pa ng aktres, “I am excited, I am happy for this new venture.  I am a sucker for learning new things. This is actually is good for me. It is enriching me as a person.”

At para sa mga tanong at sa mga gustong magka-negosyo, mag-log on lang sa  HealthyFix, www.healthyfixstore.com o o makipag-chat via facebook.com/myhealthyfixstore.

Ina muna ni Thirdy, bago ang lahat

“HINDI humihinto ang pagiging ina mo kahit gaano pa ka-busy ang mundo mo.” Ito Ang nasabi ni Jodi Sta Maria nang matanong kung paano tinatanggap ng kanyang anak na si Thirdy ang pagiging abala niya sa maraming bagay.

Bukod kasi sa pagiging artista, naging abala rin si Jodi sa kanyang pag-aaral ng kursong Psychology sa Southville International School and Colleges (na Dean’s lister pa), at negosyo. Kaya naman natanong ang aktres kung paano niya nababalanse ang mga bagay-bagay at kung paano niya nabibigyan ng magandang buhay ang kanyang anak na si Thirdy.

Sagot ng aktres, “I always include him naman in everything I do. Kunwari in excercising, we exercise together. May time na sabay kami nagwo-work-out. Sa pag-aral naman niya, when he needs help, I’m there when he needs me.

“When it comes naman sa ibang aspect ng kanyang life, I’m a mother first and foremost before I’m an actor, a businesswoman at hindi ko ‘yun talagang pababayaan at kalilimutan.

“At the end of the day kasi when you have children, what you are entering is your complete responsibilities. It’s something that will never stop. It is something never ends,” giit pa ni Jodi.

At dahil balance naman ang buhay ni Jodi, may gusto pa rin siyang i-address sa sarili tulad ng sa health niya.

“Ako honestly, kung health ko ang pag-uusapan is ‘yung having a strong immune system. It’s important talaga na malakas ang ating pangangatawan.

“Makukuha natin ‘yan by eating right, exercising, sleeping right and also taking something that will help boost our immune system. Dito na pumapasok itong produkto namin, itong Healthy Fix tulad ng Grape Seed Extract, Citrus Bioflavonoids (Sodium Ascorbate), Marine Collagen.”

Aminado rin si Jodi na neophyte pa lang siya sa negosyo kaya naman natuwa siya na tinulungan siya nina Nino at Red para madagdagan pa ang kaalaman niya sa kanilang negosyo.

Aniya, “I’m just really open to learning from the experts. So, I just keep myself open and learned from them and just realize also na when you know na parang you know it all na, when you enter to a new field, parang, how much do I really know with this world that I live in.

“Parang there are so much to learn, so much to know. Parang I am excited, I am happy for this new venture and I am a sucker for learning new things.

“It’s good for me, it’s really fulfilling, my soul is enriching me as a person,” sambit pa ni Jodi na noon pa ma’y hilig na ang pagnenegosyo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …