Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Altamira, happy sa muling pagsabak sa pag-arte

MASAYA si Ara Altamira dahil muli siyang haharap sa camera. Aminado ang aktres/model na na-miss na niya ang muling pag-arte at ilang buwan siyang natengga dahil sa Covid19.

Saad niya, “Sobrang saya ko po na kahit pandemic ay may mga project pa rin ako. Kasi matagal din namin pinagplanuhan yung movie na Crazy In Love with You, before the lockdown pa, and finally natuloy pa rin.

“Sobrang na-miss ko po ang acting and sa ibang naging work ko ngayon like BigoLive, I’m thankful po kasi it really proves me that God really provides. Dahil kung wala po yun, mahirap po talaga maghanap ng source of income.”

Dalawa ang bagong pelikula ngayon ni Ara, ang Crazy In Love With You, starring Claire Ruiz, Miko Raval, Mike Lloren, Ariella Arida, Andrew Gan, Tanya Gomez, Coleen Perez, John Arcenas, at iba pa. Ang pelikula ay pamamahalaan ni Edward James (EJ) Salcedo, line producer nito si Mike Lloren, at isinulat mismo ng executive producer nitong si Ms. Romina Wilcox.

Ang isa pa ay ukol sa SAF 44 na pinamagatang Mamasapano na tinatampukan nina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jojo Alejar, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Claudine Barretto, Kate Brios, LA Santos, Erika Mae Salas, Janah Zaplan, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo.

Ano ang last movie na ginawa niya?

Tugon ni Ara, “Ang last po is advocacy film, title po is Parola, directed by Francis Jun Posadas. Supposed to be ay ire-release po ito noong March, kaso po naglockdown.

“Ang casts po nito ay sina Alma Concepcion, Ricardo Cepeda, Richard Quan, Gisselle Sanchez, Dexter Doria, Franco Miguel, at iba pa. Ang role ko po sa movie ay asawa ni sir Franco.”

Nabanggit din ni Ara ang kanyang product endorsements.

Wika niya, “Sa ngayon, still with Dental First and then recently I’m one of the CSRs ng Sabong Live 618. Online sabungan po yun para sa mga friends natin na mahilig mag-bet sa cockfight. Hoping na magkaroon din ng projects na commercials, soon.”

Esplika pa niya, “Iyong CRSs po-Customer Service Representative po, it’s not actually endorsement lang po, work din po, kasi aside sa pag-encourage sa kanila to do online sabungan, I’ll be assisting them din po.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …