Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Gabby Concepcion

Sanya, itotodo ang lahat para kay Gabby

“YES, confirmed na. Ako po si First Yaya. Ako po si Yaya Melody,” ito ang naging pahayag ni Sanya Lopez nang ianunsiyong siya ang napili para sa title role ng First Yaya na upcoming seies ng GMA.

 

“Siyempre po kabado and excited dahil alam ko na malaki ‘yung ine-expect nila sa akin bilang inyong First Yaya.

 

“First time ko po kasi na binigyan po ako ng show sa primetime na ako po ‘yung title role kaya naman talagang maraming-maraming salamat po nang sobra-sobra sa GMA po.”

 

Itotodo ni Sanya ang preparasyon para sa kanyang bagong character, lalo na’t makakatambal din niya sa programa si Gabby Concepcion.

 

“Nasa proseso pa po ako ng pagkilala kay Yaya Melody para po mas mabigyan ko ng buhay at justice ‘yung role o ‘yung pagkatao niya.

 

“Noong umpisa po talaga noong nalaman ko na si Mr. Gabby Concepcion ‘yung makakasama ko rito, talaga sabi ko, ‘Wow, Mr. Gabby Concepcion!’ Kasi alam naman po natin na talagang gwapo at magaling na aktor si Mr. Gabby Concepcion. Kaya naman siguro sa part ko na lang, gagawin ko na lang is paghandaan ko ‘yung bawat eksena para hindi po ako mapahiya sa kanya.”

Challenge at blessing para kay Sanya ang pagkamit ng title role. At ayon pa sa Kapuso actress, hindi naman nalalayo sa kanya ang kanyang gagawing character.

 

“’Yung Bulacan po, malaking source of inspiration po dahil dati po kasi inaalagaan ko rin po ‘yung lola ko. Tapos sa Laguna naman po, may mga pinsan po akong mga baby pa. Nasubukan ko pong ako na ‘yung nagpapalit ng diaper nila, ako pa ‘yung naglilinis, ako ‘yung nag-aayos.”

 

May pangako si Sanya sa publiko, “Gagalingan ko bilang inyong First Yaya. Sana po ay mahalin ako ng mga tao, maraming makare-relate sa akin, at pasasayahin kayo ng First Yaya na ito.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …