GAGANAPIN ang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4) mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa FDCPchannel.ph platform. Ang Early Bird Rate Pass na PHP 450 para sa 16-day Full Run Pass (PHP 599) ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Ang iba pang subscription options ay ang Half Run Pass (PHP 299) para sa walong araw, Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films at public events).
Simula Oktubre 16, magkakaroon na ng discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%) at mga mag-aaral (30%).
Mapapanood sa buong Pilipinas ang pelikulang ipalalabas ng FDCP para sa PPP4.
“This year’s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema.
“The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic’s devastating effects,” sambit ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Ang slogan na, PPP4, Sama All! ay hindi lamang para sa filmmakers kundi para sa mga manonood din para mapahalagahan nila ang Philippine Cinema at makatulong sa hangarin ng FDCP na makapagbigay ng suporta sa industriya ng pelikula sa gitna ng Covid-19 pandemya.
Lahat ng proceeds mula sa sales ng PPP Festival Passes ay mapupunta sa lahat ng producer na kasama sa PPP.
Para sa updates sa karagdagang PPP4 titles at iba pang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.
Maliban sa QCinema, Sinag Maynila, Sine Kabataan, at CineMarya, tampok din sa PPP4 ang mga pelikula mula sa iba’t ibang producer at mula rin sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, CineFilipino Film Festival, at ToFarm Film Festival.
Ipalalabas ng Special Screenings section ang Mula sa Kung Ano ang Noon ni Lav Diaz.
Ang PPP online edition ngayong taon ay may 14 na sections, kasama ang Lav Diaz special screening at libreng short films showcase.
Kamakailan isang malaking pagtitipon ng samo’tsaring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films ang ipinahayag ni Liza sa grand presscon ng press media via Zoom.
Bilang organizer ng PPP, inaanyayahan ng FDCP ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula.
Ang Sama All! na slogan, na tampok sa PPP4 poster, ay imbitasyon ng FDCP para sa PPP4 na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.
Ang key elements sa poster ay kumakatawan sa mga pelikulang kasama sa 14 na sections ng online festival: PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.
Rated R
ni Rommel Gonzales