Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Arcenas, humahataw ang showbiz career

SIMULA pa lang ng January ng taong ito ay kaliwa’t kanan na ang TV at radio appearances ng newcomer na si John Arcenas.

Sa kasalukuyan, kahit may pandemic ay tuloy ang magandang takbo ng showbiz career ng guwapitong singer/actor.

 

Kuwento ni John, “Nagsimula po akong pumasok sa showbiz noong 2018, sumali po ako sa I Can See Your Voice ng ABS-CBN. After that, I was discovered by my present manager, Tito Throy Catan at doon nagsimula akong magkaroon ng shows and concert sa Music Box, TV and radio guestings sa DZMM, Net25, Letters and Music, at marami pang iba.

 

“I started as a singer po talaga, pero pinasok ko na rin po ang pag-arte. Gaganap na rin po ako sa mga pelikula tulad ng Crazy In Love with You, directed by EJ Salcedo and produced by Romina Wilcox. Ito ay tungkol sa isang kuwento ng pag-ibig na pinagbibidahan nina Claire Ruiz at Miko Raval.

 

“Gaganap din po ako bilang sundalo sa upcoming film na Mamasapano.”

 

Dagdag na pahabol ni John, “Mayroon na rin po akong single na kalalabas lang sa Spotify, iTunes, and other digital platforms ngayong taon. Ang title nito is A Single Smile, written by Romer Timbreza and arranged by Elmer Blancaflor, under EV Music and TJC entertainment Productions.”

 

Nabanggit din niyang bata pa lang ay dream na niya talagang makapasok sa showbiz, kaya’t magsisikap daw siya nang husto para maabot ang mga pangarap niya sa showbiz.

 

“Simula bata pa lamang ako, pangarap ko na talagang maging isang magaling na singer at mahusay na actor. Kaya’t sisikapin ko at gagawin ko ang lahat hanggang maabot ko ang pangarap ko at ng pamilya ko,” wika ni John.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …