Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, nakipagkabugan ng acting kay Boyet

ISA sa mga pelikulang kaabang-abang, lalo na at may balitang malapit nang payagang magbukas ang mga sinehan, ay ang On The Job 2 nina Christopher de Leon, Lotlot de Leon, John Arcilla, Ricky Davao, Vandolph Quizon, Dante Rivero, William Martinez, at Dennis Trillo.

 

Exciting ito dahil magsasama sa isang proyekto ang Drama King of Philippine Movies (Christopher) at si Dennis na tinagurian namang Drama Prince.

 

Kaya tiyak na kabugan silang dalawa sa aktingan.

 

“Hindi naman! Kabugan talaga? Hindi naman,” at natawa si Dennis in one of our interviews sa kanya bago pa nagkaroon ng pandemya.

“Experience ‘yun, magandang experience ‘yun para sa akin. Feeling ko marami akong matututuhan sa kanila. Puro mga beterano ‘yung mga kasama kong mga artista.

 

“Kahit sina Eric Fructuoso nandoon, mga idol ko ‘yun noong nanonood pa ako ng ‘Palibhasa Lalaki.’ 

 

“So medyo na-startstruck ako sa kanilang lahat noong nakita ko sila roon,” pagtukoy pa ni Dennis sa mga kasama niya sa On The Job 2.

 

 “At masaya, iba si direk Erik! Para siyang gumagawa ng commercial, bawat eksena, bawat frame talagang kailangan perfect! 

 

“Ultimo ‘yung kaunting andar lang ng sasakyan na ganyan, talagang ‘yung pasok sa rain effect niyong kotse… metikuloso!

 

“Ilang ulit, kahit hindi kami kita sa loob ng sasakyan, nandoon lang kami sa loob, paulit-ulit kami, tapos buhos lang ‘yung ulan.

 

“Ibang klase, ang sarap ng feeling na mapasali sa ganoon, ‘yung alam mong sobrang pinagaganda talaga.

 

“’Yung talagang bawat frame, ‘yung ilaw, ‘yung isang eksena namin inilawan tatlong oras!”

 

Hindi naman siya nainip.

 

“Kapag ganoon ang mga kasama mo, ayokong mag-inarte, gusto ko lang mag-adjust kung ano ‘yung ikagaganda ng pelikula.”

 

Samantala abangan ang natatangi at mahusay na pagganap ni Dennis bilang Samuel sa Magpakailanman ngayong Sabado 8:00 p.m. sa Magpakailanman episode na Patawad Ama Ko, sa GMA.

Tampok din sina Allan Paule, Sheila Marie Rodriguez, Chinggay Riego, Ana de Leon,  Seth dela Cruz, Orlando Sol, at Bruce Roeland, ito ay sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr..

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …