Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eat Bulaga biktima rin ng pekeng news, noontime show patuloy na mapapanood sa GMA, YouTube, at Facebook (Naglipana talaga na parang kabute)

SA LAHAT ng fake news, na ikinakalat ng mga mapag-imbentong blogger na nagsulputang parang mga kabute ang pamamalaam na raw ng 41-year old na Eat Bulaga sa ere at sa October 9 na raw ang huling episode ng EB, na sobrang fake news.

Ewan kung saan napulot ng mga walang krediblidad na bloggers ang haka-hakang ito.

Una, existing pa ang contract ng Tape Incorporated sa GMA 7 bilang blocktimer para sa lampas apat dekadang number one longest-running noontime variety show. Pangalawa, patuloy sa paghahari sa ratings game ang EB kahit nasa free channel pa ang katapat na It’s Showtime ay kinakabog ito ng Bulaga sa mahabang panahon specially sa Mega Manila Ratings.

Pangatlo, at panghuli, madalas sabihin ni Tito Joey de Leon na: “Hangga’t may bata ay may Eat Bulaga,” kaya kahit nariyan pa rin ang pandemic ay tuloy-tuloy ninyong mapapanood ang nasabing show sa Kapuso  network.

Patok pa rin hanggang ngayon ang iba’t ibang segments ng Eat Bulaga lalo ang BAWAL JUDGEMENTAL na hindi talaga pagsasawaang panoorin. Dahil totoong kuwento ng buhay mula sa dabarkads natin na parte nito araw-araw ay marami ang nakare-relate sa kanilang istorya.

Nariyan rin ang kanilang Pinoy Henyo Online, may puwedeng manalo rito ng libreng load manood

lang mula umpisa hanggang dulo. Kaya ating samahan mula Lunes hanggang Sabado si Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, JOWAPAO (Jose Wally and Paolo) at ang AlDub love team na sina Maine Mendoza at Alden Richards plus Pia Guanio and others.

Isa rin sa inaabangan ang “Pamilya Nunal” na kinabibilangan nina Maine and Paolo at ang gumaganap nilang nanay na si Wally at Jose bilang kanilang tatay at may celebrity guest sila rito. May ‘paayuda’ rin araw-araw para sa mapipiling ‘Lucky Dabarkads’ na same day ay makukuha agad ang cash prize. Puwede itong mapanalunan sa PALAWAN EXPRESS PADALA.

Bukod sa GMA7, patuloy ninyong mapapanood ang Bulaga sa kanilang YouTube Channel at EB Facebook Fanpage.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …