Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Go, nagbukas ng 3 diyaryo para makatulong sa member ng media

INILUNSAD ng movie producer na si Ms. Baby Go recently ang tatlong diyaryo. Layunin nitong makatulong sa members ng media na magkaroon ng extra income sa panahon ng pandemic.

 

Inanunsiyo ni Ms. Baby na ang dalawang tabloids ay ang BG Expose at BG Dyaryo at ang BG Public Eye News na isang broadsheet naman. Dati nang may glossy magazine si Ms. Baby, ito ang BG Showbiz Plus na aktibo pa rin hanggang ngayon.

 

Ang dalawang tabloids ay weekly lalabas, samantala ang broadsheet ay monthly.

 

Isa ito sa muling pagpapakita ng malasakit at pagmamahal ng lady boss ng BG Production International sa entertainment press. A couple of months ago, sa kasagsagan ng pandemic ay nagpadala rin ng financial assistance sa mga taga-media si Ms. Baby.

 

Nagpahayag ng kagalakan si Ms. Baby nang muling makasalamuha ang mga taga-media sa presscon na ipinatawag sa Marco Polo Hotel, sa Ortigas.

 

Saad niya, “I’m so happy na nandito tayo, nagkita-kita, nagsama-sama na parang isang pamilya ng BG. Nagpapasalamat ako dahil hindi lang sa ating new project kundi ‘yung aking movie na kung saan-saang lupalop ng mundo ay nandoon siya. Lumalaban sa pandemic, kahit saan, buhay ang ating movie from the BG Production International.

 

“Pangalawa, I’m so glad kasi itong aking new project ngayon, like magazine, tinawag ko kayo para malaman ninyo at ito’y para rin sa inyong lahat. Hindi lang para sa akin ito o sa pamilya ko, kung hindi sa ating lahat. Sa panahon ngayon ng pandemic, dapat ay magkaisa, magtulungan, at walang tigil sa pagtatrabaho kahit nasa bahay kayo.”

 

Pati sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang kompanya dahil sa kanyang hangad na mabigyan ng trabaho ang marami.

Incidentally, congrats kay Ms. Baby dahil muli na namang nagwagi ang kanyang movie company, this time ay via the movie Latay (Battered Husband). Ito’y sa Wallachia International Film Festival sa Romania, ginawaran ng Gold Prize ang naturang pelikula.

 

Pinamahalaan ng award-winning director na si Ralston Jover, ang Latay ay tinatampukan ng mga premyadong alagad ng sining na sina Allen Dizon at Lovi Poe. Tampok din dito sina Snooky Serna, Mariel de Leon, Soliman Cruz, Adrian Cabido, Renerich Ocon, Tabs Sumulong, at iba pa.

 

Ang pelikula ay tumatalakay sa pambubugbog, hindi ng lalaki sa babae, kundi ng misis sa kanyang mister.

Anyway, congrats din sa mga opisyal ng BG Elite Media Club na si Ms. Baby ang founder at chairman.

 

Ang president nito ay si katotong Joey Sarmiento na kilala rin bilang ang DJ na si Kuya Jay Machete sa Win Radio Manila. Ang vice president ay si Maridol Bismark, vice president for Finance si Ms. Jean Paul Marasigan, ang secretary ay si Anne Venancio, ang PRO ay si Ana Manansala, ang creative director ay si Miller Achurra, Ad and sales head ay si Jacinto Aluad, at ang treasurer ay si Jerome Go.

 

Ito ay in partnership with PC Good Heart Foundation, BG Showbiz Plus, at BG Publications.

 

Layunin nitong magbigay ng pagkakataon sa mga member ng entertainment media na magtrabaho at tumulong sa mga proyektong gagawin ng BG Elite Club, tulad ng iba’t ibang fund-raising activities para makaipon ng pondo at makatulong sa mga nangangailangan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …