Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mass testing sa 17 public market prayoridad ng Manila LGU — Isko

NAKATAKDANG isailalim ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mass testing ang mga vendor sa 17  public market sa lungsod ng Maynila sa pagbubukas ng panibago at ikalawang RT-PCR molecular lab sa Sta. Ana Hospital.

Nabatid na prayoridad ni Mayor Isko ang kapakanan ng mga negosyante at residente sa lungsod kaya’t inatasan sina Manila Health Department director, Dr. Poks Pangan, Sta. Ana Hospital director, Dr. Grace Padilla, at Market Administrator Zenaida Mapoy na unahing suriin ang mga vendor at isalang sa mass testing upang matiyak na ligtas ang kanilang paghahanapbuhay gayondin ang mga mamimili sa mga pampublikong palengke.

Plano rin ng alkalde na isunod sa mass testing ng mga vendor ang mga tsuper ng pedicab, tricycle, at pampasaherong jeep sa lungsod.

Matatandaan, mula nang pumutok ang pandemya dulot ng nakamamatay na CoVid-19 ay nagsumikap sa ayuda at patuloy sa agresibong hakbang si Mayor Isko at ang pamahalaang lungsod sa paglaban kontra coronavirus para sa kapakanan ng Batang Maynila. (BRIAN BILASANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …