Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libreng “telemedicine” inilunsad sa Maynila (Non-contact consultation sa GABMMC)

KAPAKINABANGAN para sa mga mamamayan ang prayoridad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kaya isang panibagong paraan kontra CoVid-19 ang inilunsad sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Moreno, ang mga pasyenteng magpapakonsulta ay hindi na kinakailangan magtungo sa ospital, kinakailangan lamang matutunang gumamit ng bagong pamamaraan na “telemedicine.”

Ang “telemedicine” ay inisyatiba ng lokal na pamahalaan upang manatili sa tahanan ang mga pasyenteng nais magpakonsulta sa espesiyalista para mabawasan ang tsansa na magkaroon o mahawa ng  coronavirus.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Moreno ang publiko, partikular ang mga residente ng Maynila na aralin ang telemedicine para sa kapakinabangan at inisyatiba ng   GABMMC na pinamumunuan ng director na si Dr. Ted Martin.

Ang non-contact consultation o telemedicine ay bukas mula 8:00 am hanggang 5:00 ng pm mula Lunes hanggang Biyernes.

Ayon kay Martin, ang telemedicine ay sa pamamagitan ng telephones, cellphones, computers, o electronic gadgets upang maiwasan ang tradisyonal na harapang  consultation, diagnosis, treatment, management, education, at follow-up care.

Idinagdag ni Martin na sa telemedicine ay gagamit din ng two-way audio at video, larawan ng pasyente, medical images, medical records, at iba pang mahalagang bagay na kailangan tulad sa normal na konsultasyon.

Tiniyak ni Martin, sa telemedicine ay mapangangalagaan rin ang pagkakakilanlan ng mga pasyente, privacy, confidentiality, at corruption of records dahil gagamit sila ng electronic system para sa security protocols sa network at software nito.

Sa pamamagitan ng telemedicine, ang pasyente ay magkakaroon ng medical evaluation, impression, at mas maiintindihan niya nang husto ang kanyang kalagayan at magagabayan din siya kung paano harapin ito at kung anong hakbang ang susunod na gagawin, kabilang ang prescription at gabay sa kung anong posibleng laboratory o imaging test ang kakailanganin.

Ang lahat ng pasyenteng interesado ay maaaring i-follow ang GABMMC sa kanilang official Facebook page: http://facebook.com/gabmmcofficial para sa  importanteng detalye at impormasyon tungkol sa telemedicine at kung ano ang hakbang na dapat gawin para sa libreng konsultasyon. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …