Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jak, namamangha sa malalakaing eroplano; Barbie, gustong maging crime scene analyst

SPECIAL guest muli sa latest YouTube vlog ni Jak Roberto ang girlfriend niyang si Barbie Forteza. Habang nagluluto, nagkaroon ng mini Q&A ang dalawa at natanong ni Barbie kung ano ang pangarap na trabaho ni Jak kung hindi siya artista.

Sagot ng aktor, “Noong bata ako gusto ko maging pilot, kasi naa-amaze ako sa malalaking eroplano. Noong natuto naman ako magluto, kasi tinuturuan ako ng mommy ko, gusto ko maging chef kasi parang feeling ko may skills ako sa pagluluto. Pero noong nandito na ako sa industriya, minahal ko ‘yung trabaho, kumbaga gusto kong pagbutihan at i-develop pa ‘yung craft bilang isang aktor. Kaya ‘yung pangatlo kong choice, artista talaga.”

Para naman kay Barbie, “Gusto kong maging crime scene analyst. Mahilig kasi akong magbasa at manood ng movies na ganoon ‘yung theme. Mas nae-entertain ako roon kaysa ibang genre. Pangalawa ginusto ko rin maging pastry chef, gusto ko matuto mag-bake. And last, gusto kong gumawa ng wine, magtayo ng winery.”

Samantala, naghahanda na ang cast at production team ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kabilang na si Barbie para sa pagbabalik-taping ng serye sa ilalim ng new normal.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …