Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aster Amoyo, nairita sa mga kasinungalingan ni John Regala

Ikino-consider raw si Aster Amoyo na nanay-nanayan ni John Regala to the point that he can call her any time. Lahat raw ng problema nito, lagi niyang sinasabi sa kanya kahit na noong siya’y magkasakit.

“Saka eventually, ‘yung nagkasakit ‘yung mother niya, ako ‘yung unang-unang tinawagan.”

Anak si John ng 1960s actress na si Ruby Regala, na pumanaw dahil sa brain tumor last January 11, 2020.

His biological dad Mel Francisco is said to have passed away already.

Sa parte ni Aster, hindi raw maiwasang umiral ang kanyang “motherly love” para kay John.

Pero ang kadalasan raw na ini-emote ni John ay wala nga siyang pera dahil walang trabaho.

Ang payo raw niya rito, “Ang lagi ko sinasabi sa kanya, ‘Alam mo, anak, huwag mo muna isipin ‘yung trabaho. Isipin mo munang gumaling ka.’”

May mga gusto raw tumulong pero ang una raw na tumugon sa kanyang panawagan ay si Coco Martin and he gave P20,000.

It came to a point na nag-viral ang mga retrato ni John last July 27, 2020 and that was the time na nabuo ang kanilang grupo nina Aster, Nadia Montenegro, at Chuckie Dreyfus.

At noon nga raw sila nagdesisyong gumawa ng fundraiser para tulungang maipagamot si John.

Ang total amount ng cash donations na nalikom ng grupo ay P290,144.30.

The total amount for the hospital bill, medicines, and groceries for John totalled to something like P174,993.10.

May natirang pera na P115,151.20.

Sa guesting niya kay Raffy Tulfo, sinabi ni John na hindi rin daw naniniwala na P290,144.30 lang ang perang nalikom nila.

Hinahanap ni John kung saan daw napunta ang donasyon nina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Sa panayam ng PEP.ph, binigyang-linaw ni Aster na na-turnover nila nina Nadia at Chuckie ang natirang pera, matapos nilang bayaran ang gastos ni John sa ospital, gamot, at groceries.

“That entire amount, P115,151.20, was deposited in his account sa Metro Bank.

“‘Tapos sasabihin niya, ‘ni isang kusing na pera’ wala siyang nakuha?

“Doon pa lang, sobra na siyang sinungaling.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, NHong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …