Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

H’wag mag-ilusyon! Piolo Pascual at pamilya magkasama sa rest house sa Batangas hindi si KC Concepcion

WALANG patid sa pag­babalita ang mga vlogger na mahihilig sa fake news kina KC Concepcion at Piolo Pascual.

As in hindi naman buntis si KC pero pinalalabas ng mga nasabing fake vloggers na preggy kay Piolo ang aktres at kambal pa raw ang lumabas na resulta sa ultrasound.

Tapos sa baby shower raw ay sina Judy Ann Santos at Pokwang ang dalawa sa malalapit kina KC at Piolo ang bisita.

Dagdag pa ng mga mapanlinlang na blogger, nakahanda na rin ang regalong mansion ni Sharon sa ikakasal na anak at itong si Gabby Concepcion naman ay abala sa pamimili ng gamit para sa kanyang apo kay KC?

Hayan sa magkahiwalay na recent interviews, sinabi ni Piolo na ang kasama niya ngayong lockdown sa pag-aaring rest house sa Mabini, Batangas ay ang kanyang Mommy Amelia at mga kapatid at pamangkin.

Ito ang tugon ng actor sa tanong ng host sa kanya sa Facebook Live para sa bagong ineendosong Super 8.

Samantala sa live streaming naman ng kaibigang writer at vlogger na si Ms. Mela Habijan, never na-mention ni KC ang pangalan ni Piolo Pascual kahit ang tanong pa ni Mela sa kanya ay tungkol sa kung ano ang lagay ng puso ng actress ngayon.

Kaya puwede ba, sa lahat ng mga nakikisakay sa balikan kuno at napipintong pag­papakasal nina KC at Piolo ay tigilan n’yo na ang mga kahibangan ninyo?

Huwag ninyong gamitin ang dalawa para lang kumita. Magbalita kayo ng totoo or else idol n’yo nga si Mocha Uson.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …