PAGBIBIDAHAN nina Darwin Yu at Enzo Santiago ang BL series na My Extraordinary. Gumaganap dito si Darwin bilang si Shake, isang law student na naghahanap ng katarungan para sa sarili at sa kanyang pamilya. Si Enzo naman ay si Ken, isang writer.
Ito ang first television project ng AsterisK Artist Management na pinamumunuan ni Kristian G. Kabigting. Sina Enzo at Darwin ay kabilang sa 18 new artists na ipinakilala ng Asterisk.
Makikita sa My Extraordinary ang makulay na kasaysayan ng dalawang college students na sina Shake & Ken, at kung paano nila sinubukang ipahayag ang mga sarili sa kabila ng maraming mga inaasahan sa kanila ng lipunan.
Nagkuwento sila sa role sa naturang serye. Pahayag ni Darwin, “Shake is a loner, hindi po dahil ginusto niya ‘yon pero dahil naging ganoon siya sa mga pinagdaanan niya sa buhay. He’s an orphan at an early age. Being alone, natutunan niya kung paano mabuhay at alagaan ang sarili.”
Wika naman ni Enzo, “Ang role ko rito ay isang sweet and loving person who’s very passionate with his craft-writing. Getting into character ay hindi naman mahirap because of the similarities of my character and my own personality.”
Ipinahayag pa ni Enzo na naging maganda ang samahan nila rito ni Darwin. “Hindi ko po sure kung bakit, pero our personalities clicked so perfectly when we met that we had no issues in getting along with each other. Darwin and I would often call to check-up on each other and even shared random stories that eventually helped us create a certain bond.”
Ang eight-episode series na ito ay magpe-premiere sa all new TV5 this September, 10:00 pm at ia-upload sa Asterisk Digital Entertainment channel sa YouTube ng 11:00 pm, sa kaparehong araw. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Jolo Atienza, isinulat ni Vincent De Jesus, at prodyus ng AsterisK Digital Entertainment.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio