Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Quan, tuloy ang ikot ng mundo sa gitna ng pandemic

MALAPIT nang magtapos ang seryeng A Soldier’s Heart na tinatampukan ni Gerald Anderson. Isa ang premyadong actor na si Richard Quan na bahagi nito at gumaganap dito bilang Governor.

Sa pamamagitan ng private messaging sa FB, inusisa namin si Richard ukol sa kanilang Kapamilya serye.

“Tapos na yung lock-in taping namin last July pa, bale ako yung governor dito na nilalaro ang military, pero siya rin ang nagfa-fund ng rebelyon,” saad ni Richard.

Magtatapos na ba ang kanilang serye? “Mga one month pa siguro,” matipid na sambit niya.

Nang nag-taping sila last month, paano ang naging sistema, since lalong tumindi ang Covid19?

“Rapid test before and after lock in… mahirap ang situation, nakaka-home sick, adjustment technically and creatively… Kasi, talagang anytime puwede kang magka-virus, etc, etc. Pero eventually, makakapag-adjust ka rin naman.”

Saan napapanood ngayon ang kanilang serye? At sa palagay niya, anong epekto nito na hindi sa regular channel or regular TV station umeere ang kanilang TV series?

“Bale, napapanood ito sa Kapamilya online, sa Sky cable, iWant TV… among others.

“I’m hopeful sa online way of viewing ng TV shows, kasi I think eto yung future…”

Ano’ng next project ang dapat abangan sa kanya? “Mayroon pa akong hindi natapos na Cinemalaya at isang iWant TV project, may mga naka-schedule rin akong meetings next week,” saad pa ni Richard na sa gitna ng pandemic ay patuloy pa rin pinipilit gawing normal ang ikot ng mundo.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …