Kuwento niya, “Bagong commercial ko po iyon, last year pa siya pero ila-launch pa lang po kapag okay na ang pandemic. Ang Filipay po, parang Gcash siya.
“Actually, nag-operate na siya, na-stop lang dahil sa pandemic. Kaya yung launching din nito ay na-move.”
Bukod sa kanyang Tonz Tapsilogan at iba pang ulam, nagtitinda rin si Tonz ng mga gulay, chorizo Cebu, Special bagoong, chilli garlic sauce, gourmet tuyo, shorts, Uratex unan, steel cabinet, at iba pa.
Very soon ay magkakaron din siya ng milk tea at coffe jelly na tatawagin niyang Balud, na mula sa kanyang award-winning character sa pelikulang Rendezvous.
Ano ang magiging reaction niya kung maliitin siya ng iba?
Tugon niya, “Hahayaan ko lang sila ‘tay, basta ako proud ako sa ginagawa ko and basta para sa pamilya po, kahit maglako ako nang maglako ng paninda ko ay ‘di ako mahihiyang magtinda. Lalo na sa sitwasyon po ngayon na kapag wala kang diskarte sa buhay, gutom ka.”
Deklara pa ni Tonz, “Actually, proud ako kasi marangal po na trabaho iyan and sanay naman ako sa hirap, kasi rati pa naman nagtitinda na rin ako. Nagsisikap talaga ako para sa pamilya ko and proud ako na dahil sa pinagpaguran ko, natutulungan ko ang pamilya ko.
“Sobrang thankful and happy ako sa mga ginagawa ko, blessings din ito galing sa Itaas. Naniniwala talaga ako na sa panahon ngayon, kung mahihiya ka, gutom ang aabutin mo at dapat marunong kang dumiskarte lagi sa buhay.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio