Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

EA Guzman, balik sa paggawa ng gay role

MATAGAL hindi tumanggap ng gay role si Edgar Allan Guzman, ang huling pagganap niya bilang beki o bading ay noon pang 2017 sa pelikulang Deadma Walking nila ni Joross Gamboa.

Nagsawa na ba siya sa gay roles kaya hindi muna siya gumaganap bilang bading?

“Hindi naman nagsawa, kumbaga masyado ng nata-typecast, masyado ng… kumbaga iyon ng iyon ‘yung nagiging role ko,” pahayag ni EA.

Pero dahil sa ganda ng kuwento ng My Gay Husband ay hindi ito natanggihan ng actor.

Maraming mga katanungang naghihintay ng kasagutan ang episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

Ipu-push mo pa rin ba ang pagsuyo sa isang lalaking mahal mo pero may pusong babae? Will you hold on to the relationship? O hindi mo na ipaglalaban ang nararamdaman mo para sa kanya?

Mawawala ba kay VJ ang anak niya? Maghihintay ba ulit siyang ipagtanggol ng ama o magpapakalalaki siya para ipaglaban ang karapatan niyang mag-aruga at magpalaki sa sariling anak?

Tunghayan ang espesyal at bagong episode ng Magpakailanman sa GMA na pinamagatang My Gay Husband sa pangunguna ni Edgar Allan o EA (bilang VJ), kasama sina Rez Cortez (bilang Manny), Tanya Gomez, at Ana De Leon (bilang Riza).

May hashtag na #MPKGayHusband, mapapanood ito ngayong Sabado na sa direksiyon ni Zig Dulay.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …