Kamakailan ay nabasa ko sa kanyang FB ang pamamahagi niya ng facemask sa kanyang distrito sa Marilao, Meycauayan, Sta. Maria, at sa may Del Monte.
“Iyong face mask po ay ipinagawa natin at yung iba, na-donate po sa atin. Ibinigay ko po sa mga TODA, kasi sila po yung nasa lansangan, so para rin po proteksiyon sa kanila. Sa TODA ko lang po siya talaga specific na ibinigay, pero kapag habang namimigay, may nanghihingi, inaabutan ko na rin po,” kuwento ni Alex.
Nauna rito ang kanyang suweldo bilang BM ay inilaan na niya sa pagtulong sa mga kababayang Bulakenyo mula nang nagkaroon ng pandemic.
Wika ni Bokal Alex, “Ganito kasi yung naging sitwasyon, nang nagsimula yung ECQ, nakita natin talaga na marami tayong kababayan na nahihirapan, kaya ako, kinausap ko nga si Sunshine, yung wife ko, ‘Na kahit paano, mabubuhay pa tayo ng kahit ilang buwan, may naipon naman tayo na yung suweldo ko simula ECQ ipamili na lang natin ng mga groceries, bigas, para sa mga tao. Kahit papaano hindi naman ganoon kalaki yung ano natin…’
“Maraming tao po kasi yung naapektuhan, kaya kahit paano, in my own small way ay makatulong. Pumunta ako sa bilihan ng bigas, pumunta ako mismo ng personal kuya, pumunta ako ng Benguet, bumili ako ng mga gulay. Buti mayroon tayong kaibigan na nagpahiram ng bus, para sa mga gulay.”
Si Alex ay nag-author din ng mga ordinansa para sa pandemic na ito. “Gumawa rin tayo ng ordinances, katulad ng sa face mask, sa social distancing… Para po magkaroon ng ngipin yung ordinansa. Kasi po kapag executive order lang, wala pong parusa. Kaya po kapag may sariling ordinansa, mapipilitan, kahit paano po ay sumusunod ang mga tao. So yun po, mga preventive measures.
“Then, mayroon po tayong resolution para sa mga frontliner’s, gumawa po ako ng resolution na nagdedeklara every March na Frontliner’s Month sa Bulacan. Ito po ang kauna-unahan sa Filipinas.”
“Ang ginawa po namin, ang Bulacan po ay nagkaroon na ng sariling molecular testing center, para ‘di na po namin kailangan makipag-agawan sa ibang hospital. Within two months, three months, naitayo po ito para po magkaroon nang maayos na testing, sariling testing facility ang Bulacan. And yung mga quarantine facilities, talaga pong ine-enforce namin na bawat bayan ay magkaroon ng quarantine facilities, para hindi kumalat yung virus,” esplika pa ng guwapitong actor/public servant.
Samantala, nagpapasalamat si Alex sa lahat ng mga tumutulong sa kanya para sa mga kababayan sa Bulacan. Kabilang na rito ang very generous at supportive na CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
ni Nonie Nicasio