Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joy ng Sexbomb, balik-telebisyon via Tagisan Ng Galing

NAKATUTUWA naman ang ibinalita ng kaibigang Joy Cancio, dating manager ng Sexbomb. Paano’y magbabalik-telebisyon na siya. Ito’y sa Tagisan Ng Galing (Part 2) sa Net 25Eagle Broadcasting.

Ayon sa kuwento ni Joy, sa September 5 na ang pilot episode nito at 12 noon at makakasama niya ang dating alaga sa Sexbomb noong sina Mia Pangyarihan gayundin sina Joshua Zamora at Wowie de Guzman. Bale silang apat ang mga hurado sa Dance competition category.

Sinasabing ang Tagisan Ng Galing ang biggest at widest talent competition na may P7-M ang ipinamimigay na cash prizes.

“Tagisan ng Galing part 1 was Singing Contest lang. This time, Part 2 isinama na nila dancing,” chat-kuwento ni Joy. “Ipinagdasal ko nga ito kung will ni Lord for me eh ‘Thy will be done.’

Sinabi pa ni Joy na, ”Kasi 6 months talaga ako stay at home, work at home. Sabi ko if this is a blessing from you, please protect me from any diseases esp from this Covid…. kung hindi naman para sa akin, ok lang. Mas gusto ko na safe. E it was awarded to me —”

Dagdag pa ni Joy, ”When Mia Pangyarihan told me na hinihingi ang no. ko ng Net 25, sabi ok. Then she asked me if I’m willing and able to do it? Sabi ko ‘sige ‘pag pray ko.’”

At tuloy na tuloy na nga ang muling paghataw niya sa telebisyon kaya magpakitang gilas na sa pagsayaw at manalo ngP2-M.

Ang #TagisanNgGaling PART 2 ay tumatanggap na ng audition videos for Dancing Category! =ØzÝ

Ito ay open for: Solo, Duo, or Groups of up to 5 members. Audition Video Requirements: Full body/group shot; Landscape orientation; Music must be loud enough; No editing/watermark; File must be in mp4 or mov format. Contact SHING at 0995-880-8004 to know how to submit your entries.

Kaya SALI NA!


SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …