Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hands holding blue credit card on white background

Libreng ATM cards, ipamimigay ni Chavit

SA gitna ng nararanasang hirap ng buhay dahil sa pandemya, nakatutuwang may mga tao pa ring tumulong. Isa rito si LMP President Mayor Chavit Singson na bukambibig lagi ang pagtulong lalo na sa  mahihirap.

At una niyang naisip sa pagbibigay-tulong ay iyong pinakaligtas at pinakamabilis para maprotektahan ang bawat isa. Marami pa rin kasi sa ating mga kababayan ang walang access sa financial products katulad ng bank account, ATM, insurance o credit card kahit gustuhin man nila wala silang magagawa. Kaya naman binuo ni Singson ang programang Financially Empowering the LGU’s through Digital Transformation. L

Layunin ng programang ito ang makapagbigay ng Multipurpose Visa Card with bank account and Residential ID in one ng libre sa lahat ng municipalities sa buong bansa upang magamit ng bawat indibidwal.

Sa pamamagitan ng Multipurpose card, mapapagaan at mas ligtas ang buhay ng ating mga kababayan.. Katulad din ng mga ATM, ang Multipurpose Visa Card ni Mayor Chavit ay maaari ring gamitin kahit saan. Puwedeng sa Mastercard, sa Visacard o Paymaya. Maaari rin itong pambayad sa groceries, sa bills katulad ng electric o water bills, at maging sa mga remittances na walang charge.

Kasama na rin ng Multipurpose Visa Card ang paglalagay ni Mayor Singson ng Gracia ATM machines sa bawat municipalities para mas mapabilis at mapadali ang pag-encash ng pera.

Ang pagtataguyod na  ito ni Chavit ay hinangaan ng karamihan sapagkat walang sinuman maging sa ating sariling bansa o saan mang lugar sa buong mundo ang tanging nakapagbigay ng cards ng libre kundi tanging si  Chavit lamang. Hindi birong halaga ang pagpo-produce  ng maramihang ATM cards, idagdag pa na lahat ng mga tao sa Pilipinas ay mabibigyan pero ayon kay Mayor Chavit, kaligayahan na niya na ipamahagi sa karamihan ang anumang puwedeng kitain sa kanyang panibagong programa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …