Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Rosanna Roces inspirado pa rin para sa mga minamahal na apo, blessed rin ng magagandang projects (Instagram na-hack at naibenta ng hackers)

KUNG ang ibang Kapamilya stars ay problemado sa kawalan ng proyekto, si Rosanna Roces malungkot man sa mga kasamahan at nangyari sa kanilang mother TV network ay hindi nawalan ng pag-asa bagkus nagsipag siya sa pamamagitan ng pagtitinda at paged-deliver ng masasarap niyang putahe sa pag-aaring TIMPLADA by Ms. O at natutulungan pa ang daughter na si Grace Adriano sa pagpo-promote ng pag-aari nitong Cucuy’s Steaks and Bones.

“Dapat talagang maging madiskarte tayo Peter (tawag ni Osang sa inyong columnist) lalo na sa panahon ng pandemya. Kung hihilata ka at tatamad-tamad paano ang mahal mo sa buhay. Saka pinakaayaw ko sa lahat ay walang ginagawa gusto ko ay may naa-achieve ako sa isang araw at nakukuha ko naman.

“Saka pagdating sa trabaho ko sa showbiz o pagluluto ay inspirasyon ko lagi ay ang mga apo kong sina Gab, Maha, at Leone. Specially Maha talagang gusto kong mapag­tapos siya hanggang kolehiyo, na ibinibigay naman ni Lord sa akin,” masayang kuwento ni Ms. O.

Spoiled rin sa kanya ang grandon na si Leone. “Thankful ako sa partner ko sa hirap at ginhawa na si Blessy (Arias). Hindi lang siya basta partner na nag-aalaga at tumutulong sa akin kundi siya ang gabay ko sa aking showbiz career and in all fairness ang sipag-sipag niya at very organize pagdating sa schedules ko sa taping o shooting. So ano pa ba ang hihilingin ko, ito ang simpleng buhay na masaya at may katahimikan,” sunod-sunod na message ni Osang nang amin siyang maka-chat sa messenger.

Sa kanyang career naman ay hindi pa rin nganga si Rosanna at blessed siya sa ng magagandang projects na kanyang pinagka­abahalan these days. Habang walang show sa ABS-CBN, hindi imposible na mapanood natin si Osang sa TV5. Pero siyempre ayaw mag-expect ng kaibigan naming actress kasi naniniwala siya sa kasabihang kung uukol, bubukol.

Sa bagong post pa lang ni Osang ay ikinuwento niyang na-hack ang kanyang Instagram account na na nasa 37.2K ang followers.

Hayun pinagkakakitaan at naibenta na raw ito ng mga demonyong hacker.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …