Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea del Rosario, nag-enjoy sa guesting sa Bawal Na Game Show ng TV5

FIRST time muling nakapag-taping ni Andrea del Rosario mula nang nagkaroon ng lockdown dahil sa coronavirus. Nangyari ito via TV5’s newest game show titled Bawal Na Game Show at ayon sa dating member ng Viva Hot Babe, nag-enjoy siya rito.

 

“Yes, nag-taping ako kanina, okay naman, at least fun show ‘yung unang show na nakalabas ulit ako. Nakaka good vibes siya…

 

“Ang host nito ay sina Paolo (Ballesteros) and Wally (Bayola), super funny ang tandem nila. Bale, kasama kong guests dito sina Gwen (Garci), Sheree, and Zara (Lopez),” pahayag ni Andrea.

 

Aminado ang aktres na nami-miss na niya talaga ang ganitong mga okasyon, na nagtatrabaho siya o nagte-taping kasama ang co-artists niya.

 

“Ang nami-miss ko talaga, to work in a set and just hang out with other artist,” matipid na sagot niya.

Nabanggit din ni Ms. Andrea na masaya siya sa pagiging muling aktibo ng TV5.

 

“I am happy for my co-workers in the industry… at least may work na available para sa mga tao,” pakli niya.

May posibilidad ba na magkaroon siya ng show sa TV5?

 

“Oh I hope I do get a show, but none so far,” aniya pa.

 

Sa taping ng Bawal Na Game Show ay makikita sina Andrea at ang mga co-Viva Hot Babes na naka-face shield, may instance ba na parang napapraning o na-paranoid siya dahil sa Covid19?

 

“Yes, because I was traveling so much with Anthony (Garcia, her boyfriend) because of his polo games. That’s why after the lockdown, nag-patest ako, nagpa- swab pa,” esplika pa ni Ms. Andrea.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …